Ang Pag-ibig

Sa Mga Mata Nina Gigi at Ning
Please Subscribe to read the full chapter

GISELLE's

 

Curious ba kayo sa mga jowa duties ni Winter?

 

Ito ang isa. Tingin kayo dun sa ground floor ng RGR building. HAHAHAHAHAHA si Winter, karipas ang pagtakbo sa may tapat ng gym, papunta na sa gate ng school mula dito sa tabi ko kanina kasi nasa kaniya yung ID ni Karina.

 

Hindi makakapasok ang girlfriend niya sa school if ever. Pagkakita palang ni Winter sa caller ID na nakalagay sa phone niya kanina, alam niya na agad ang atraso niya kay Kat.

 

Naghintay lang ako, mga about 5 minutes, nakita ko na din yung dalawa. Si Kat na may hawak na payong, pilit pinapadala yung payong kay Winter. Nakatago lang sa bulsa ng brown pants ni Win yung mga kamay niya kaya nagmumukha lang na baliw si Katarina dun.

 

Naglalakad na ulit sila, papunta sa akin. Aba, hindi naman ako bababa para magpa-init no! Magsusummer na kasi kaya lalong humid na. Nakasilip ako ngayon sa may railings sa third floor hallways ng ACES building. Malapit na din naman sila sa akin kaya nagwave na ako.

 

When Karina waved back, tumakbo na si Winter papasok sa building.

 

Umirap nalang si Karina at sinarado ang payong niya bago sumilong sa building.

 

May klase pa si Ning, dapat kanina pang tapos pero overtime sila kaya nagpaiwan na din ako dito para hintayin siya.

 

"Ikaw 'tong lagay nang lagay sa bag ko ng mga gamit mo eh." Narinig ko na ang boses ni Winter sa may hagdan.

 

"Sinabi ko kaya sayo kaninang umaga na iwan sa table ko yung ID ko!"

 

"Sinabi ko din naman na ikaw na ang kumuha kasi maliligo pa ako?”

 

Lumapit na ako sa kanila kasi baka magbangayan pa sila eh nasa tapat kami ng faculty. “Naglalabasan na mga classmates ni Ning, katok ka na kay ate Joy, Kat.”

 

May meeting kami ngayon for thesis kaya nandito din si Karina kahit wala naman siyang klase for today.

 

Umupo kami ni Winter sa may waiting area habang nakapila si Kat sa may door ng faculty, may mga bata din kasi na nageexcuse ng professors dun.

 

I saw Ning approaching us, nanggaling siya sa room katabi nung faculty eh. Biglang umalis din naman si Karina sa pila. Ala bakit?

 

“Nasa CEAFA daw si ma’am Joy eh.” Kamot ulo pa si Kat nung lumapit sa amin, Ning sighs. Mukhang wala sa mood, baka hindi okay ang klase niya?

 

“Tara.” Tumayo na kami at bumaba na.

 

Hindi ko mapigilan na mapatingin kay Ning na nakacling na kay Kat. Parang magkakasakit siya eh.

 

“Payong, Rina.” Tawag ni Winter sa jowa niya kaya naghiwalay na sina Kat at Ning. Nagkatabi tuloy kami ni Ningning nung binuksan ni Karina yung payong niya para sa kanila ni Winter.

 

“Ayaw magdala ng payong, ayaw din naman akong ipagdala.” Pagrereklamo ni Karina habang pinapayungan si Winter.

 

I chuckled—Ningning did too.

 

Nagkatinginan tuloy kami.

 

“Tara, Ning.” Ako na ang humila sa kaniya after buksan ang payong ko. Napahawak siya sa braso ko pero tinanggal niya din agad.

 

Napairap tuloy ako, kinuha ko na ang kamay niya before pulling her close to me.

 

“Masakit ba ulo mo, Ning?” Tanong ko na, kahit naman umiiwas siya sa akin, alam ko naman ang body language niya.

 

She looked at me, parang nag-iisip pa ng isasagot niya.

 

“Halata kasing hindi ka okay.” Dagdag ko pa, tumingin na sa dalawang nagkukulitan sa unahan namin.

 

Tumikhim muna si Ningning. “Magkakaroon na ata ako eh.” Mahina niyang sabi, gusto kong ngumiti kasi sumagot siya pero I know how hard it is for her during her period.

 

“May exams pa naman in two days..” Banggit niya ulit. Hinigpitan ko ang hawak ko sa kamay niya.

 

“Mag-rest ka muna mamaya, sabayan kitang mag-aral.” Sabi ko, ngumiti naman siya sa akin.

 

Goodluck, sana hindi na awkward.

 

Tahimik nalang ulit kami nung makarating sa may tapat ng gym, isang liko pa at lalakad pa ulit.

 

“Alam mo ba..”

 

Hala, nagsalita ulit si Ning!

 

I felt excitement in my chest, kahit mukhang chismis pa ang sasabihin niya sa akin. Hindi dahil sa chismis ha kung bakit ako na-excite! I’m excited na magkausap kami like the old times.

 

“Si Ma’am techno, binanggit na naman si Winter sa akin kanina.” Luh?

 

“Bakit? As in kinuwento si Win?” Tanong ko, tumango siya.

 

“Sa unahan kasi kami nakaupo ni Yeji, nakipagkwentuhan lang naman siya sa amin tapos kinwento niya din yung nakakatuwa daw na student niya from your section—“

 

“Sure ka, section namin?” Tanong ko pa ulit, tumawa siya at tumango ulit.

 

“Oo nga, binanggit nga name ni Winter diba?”

 

Hehehehe mainitin ulo niya today.

 

“Ay sorry, sige continue.”

 

“Ayun nga, nung acquaintance party pala natin nung first year sila nagkakilala. Siya pala yung sophomore na kinwento ni Winter na kapartner niya sa isang laro noon.”

 

AHH! Kaya ba sila close?

 

“Mamaya, aampunin niya na talaga si Winter.” Natatawa kong sabi, tumingin bigla yung dalawang magjowa sa amin.

 

Nasa may pintuan na kami ng faculty dito sa CEAFA building. “Kung ano-ano na namang pinagchichismisan niyo dyan.” Sita sa amin ni Kat.

 

Kainis naman si Kat! Minsan na nga lang eh..

 

Kumatok na si Karina, and like the usual, malaking ngiti ang pagwewelcome sa amin ni ate Joy with matching: “Pasok kayo, Winter and et als.”

 

Huhuhuhu okay lang! Sanay na kami.

 

---

 

Isa pang jowa duty ni Winter na may free trial na noong nanliligaw palang siya, paghatid-sundo kay madam Katarina.

 

Kasama ako ngayon, tumi-thirdwheel. Bumili kasi ako ng soup para kay Ning, parang magkakasakit eh.

 

“Ano ‘to?” Blanko ang expression ni Winter nang bigyan siya ni Karina ng kulay blue na maliit na memo pad. Parang kagaya lang nung..

 

HAHAHAHAHAHA

 

“Coupons for my jowa.” Pagbabasa pa ni Winter sa nakalagay sa front nito.

 

“Hindi pa naman ubos yung unang coupons ah.” Ibabalik pa sana ni Win kay Kat yung coupons pero tinulak lang pabalik sa kaniya.

 

“Paubos na diba?” 

 

Paubos na nga yun, ito kasing si Kat.. halos araw-araw nang nagpapasundo kay Winter. Halos every week din silang may dates.

 

“Brand new yang mga yan.” Karina flipped the pages for Winter, nakangising pinakita yung mga pinagsusulat niya.

 

“Girlfriend mo na ako kaya nilevel up ko ang coupons mo.” Pahabol niya pa, tawang tawa ako sa itsura ni Winter habang binabasa pa yung mga nakalagay dun. Nakisilip ako. Okay pa yung una eh..

 

Unli hatid-sundo for my gf

3 minutes big hug from my gf

4 minutes momol with my gf

5 minutes cuddle with my gf

Please Subscribe to read the full chapter

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
hanbeo
hello! big thanks to those who supported, people who inspired me, helped and motivated me, esp. to my friends @.artemis and @.host. Finally got the winter/⭐️ hh I hope this story, its characters and the lessons remain a good memory to everyone na babalik-balikan as a happy pill.

Comments

You must be logged in to comment
6789gu8 #1
Chapter 61: Couldn't ask for a perfect ending for this chapter ng buhay nila, sobrang ganda 😭 yung emosyon ko habang nagbabasa 📈📉 KDJDKDKSKS
6789gu8 #2
Chapter 60: Nakisabay din ako sa pag iyak nina ning at gigi huhuhuhu fave chap so far 🥹
6789gu8 #3
Chapter 52: ༼⁠;⁠´⁠༎ຶ⁠ ⁠۝ ⁠༎ຶ⁠༽
6789gu8 #4
Chapter 51: Thank you po sa scene na sinuntok ni karina si ryujin... Napawi nang konti yung galit hahahahah

Pero grabe yung sakripisyo ni karina, alam ko naman na for the long run yung naging desisyon ni winter pero ibang klaseng torture yun sa relasyon nila. I'm glad karina never underestimated their love and trust for each other, if it's anyone nga like yeji said hindi magpapakatanga nang ganun pero kasi they don't know win and kat. Hindi nila alam gano kalalim yung tiwala at pagmamahal talaga nila sa isa't isa. It was never about just jealousy and doubts, yung distance rin talaga. They've been together their whole tapos biglang boom from Philippines to japan na yung distansya nila... Nainitindihan ko talaga, so much lesson learned like wag papasok sa ldr ganon charot 😭 hayyy ang saket saket pala ng story na to di ako na prepare
6789gu8 #5
Chapter 50: galit ako sayo author legit, di naman kasi malalamn ni ryujin na galit ako sakanya kaya sayo nalang.....

ANONG FOR THE REST OF THE YEAR NAMAN GRABE AKALA KO KASALAN NA NEXT EH 😭
6789gu8 #6
Chapter 49: Bat ang galing mong gumawa ng mga tarantadong character otor kuhang kuha mo galit at poot ko kay ryujin, natalo nya yung inis ko sa character nina jeno at minju sa ssd 😮‍💨
6789gu8 #7
Chapter 48: $+#+$++$*;+$$;-_$?#92($;"7$+$TANGJNANGAY YAN!!!!!!
6789gu8 #8
Chapter 47: SPOT ON SI NINGNING PUTABGINA!! HIGHBLOOD TALAGA AKES SANA LAST NA APPEARANCE NA NI RYUJIN PLS LANG
6789gu8 #9
Chapter 46: UGHHHHHHHHHHHGGGHHHHH BAKET MO GINAGAWA SAKEN TO OTOR 😭😭😭😭😭😭😭
6789gu8 #10
Chapter 43: Ang disrespectful na ni ryujin, would've given her a pass kung nagkulang sa reminders sina kat at giselle kaso naconfront na sya directly tapos parang wala lang... Idk what to feel abt her, gusto ko maawa na ewan ahhahaha