Nahuhulog Na Sa'yo

Sa Mga Mata Nina Gigi at Ning
Please Subscribe to read the full chapter

THIRD PERSON's

 

SSC Fair.

 

Ang daming tao sa gym. Kapag SSC kasi ang host ng event, lahat ng department ay invited. Hindi na nagulat ang magkakaibigan nang makita nilang puno na agad ang part ng bleachers na para sa mga CE.

 

"Ano ba yan! Balik na tayo sa bahay." Si Ningning, hawak yug mini portable fan niya at nakapoint sa leeg niya. Ang init kasi sa labas kanina. 

 

"Wag ka ngang nega." Sita ni Giselle habang hawak ang wrist niya. Sumunod nalang sila kina Winter at Karina na tuloy-tuloy ang lakad papunta sa mga naka-orange na estudyante sa gawing kanan ng gym.

 

Ikot ang mga mata ni Winter, hila-hila lang din siya ni Karina paakyat sa mga hagdan. Sa dami ng tao, hindi na nila alam kung anong bahagi na ng program ang naabutan nila.

 

"Sina workmates pala 'to eh!" Boses palang, parang uminit na ang ulo ni Winter. 

 

Tiningnan niya kung saan siya hinila ni Karina. 

 

Sa tabi pala nina Ryujin at Jeno. Dun lang may vacant seats para sa kanilang apat. 

 

How convenient. 

 

Ilang beses na nilang nakasama si Ryujin, mula first sem ng third year palang. Pero si Jeno? Sakit sa ulo lang ang naaalala ni Winter tuwing nakikita siya. 

 

"Hi guys!" Nakangiting bati ni Ningning sa kaklase at katrabaho niya. The two waved at her. 

 

"Ning, tara check natin yung art gallery booth." Tinuro ni Giselle kay Ningning ang malablockbuster na booth sa may unahan ng gym, pati ang host ng event, nakapila dun.

 

Nagpaalam sina Ningning at Giselle kina-- kay Winter na bababa muna sila. Busy kasi si Karina, kausap ang workmates niya na maraming baon na kwento. 

 

Ano namang laban ni Winter na hindi lumalabas ng bahay?

 

Bago pa makarating sa Art Gallery booth, samu't sari na ang nakita nina Giselle at Ningning. May mga uncommon booths gaya ng Lemon Jackfruit booth, Paper booth-- na puro papel lang talaga, Tinapay booth, at kung ano ano pa. Pero meron din naman na mga madalas makita sa mga events na ganito. Kung may booth para sa art gallery, meron din para sa literature, original pinoy music and such. 

 

Tumuro agad si Giselle sa poster ng Rivermaya para ipakita sa kaibigan niya. Ningning giggled. 

 

"Alam mo ba Gigi," While walking, nakacling pa si Ningning sa braso ni Giselle. 

 

Hindi naman siksikan sa open area ng gym kahit maraming tao. Naglagay ng mga temporary barricades para sa mga hindi agad papasok sa mga booths. 

 

"Ano yun?" 

 

"Kaya 214 yun.. kasi yung first line niya, 'Am I Real?'" Pa-fun fact ni Ningning, napatawa tuloy si Giselle sa biglang bring up nun. 

 

"Oh ano naman?"

 

"Two for Am, one for I, four for Real." Pag-eexplain pa nito, mukhang hindi naintindihan ni Giselle kaya sumimangot si Ningning. 

 

"Yung letters kasi ng words Gigi!" Sabi niya sabay hampas sa braso ni Giselle na may pagkaslow din talaga. 

 

Napatitig muna si Giselle sa poster ng Rivermaya, at kunot-noong tumingin sa katabi niya. 

 

Ningning raised her eyebrows, ilang segundo pa, gets na ni Giselle. "Ahhh!! Hala ang galing naman." Napapalakpak pa siya, tuwa naman si Ningning. 

 

Cute moments ni Giselle yung mga ganito. 

 

"Bakit mo favorite yun, Ning?" Tanong sa kaniya nang maglakad na ulit sila. 

 

"Ikaw nagrecommend sakin nun, Gi." Ningning grabbed her hand nung biglang may nagmamadaling maglakad at muntik nang mabangga si Giselle. 

 

"Ha?" Lito tuloy si Giselle, sa sinabi ni Ning at sa nangyari. Napakapit din naman siya sa kasama niyang tuloy-tuloy lang ang lakad. 

 

"Nung grade 10 tayo." Sabi pa ni Ningning. 

 

"I did?" Ningning looked back at her this time and smiled. 

 

"Oo nga, Karina ka ba? Kulit mo na ha." 

 

Natawa nalang si Giselle.

 

---

 

"Saan na kaya si Yunjin?" That's Jeno asking. Napabuntog hininga si Winter. Mukhang balak pang magreunion ng team nina Karina dito sa tabi niya. 

 

"Ay andito din si Yunjin?" Excited naman si Katarina. 

 

Inilagi nalang ni Winter ang mga mata niya sa mga dinudumog na booths sa baba. Hindi niya na din alam kung nasaan ba sina Giselle at Ningning. Pero.. parang mas gusto niya pang makisama sa dalawa, makisali sa dami ng tao dun kesa dito sa pwesto niya ngayon. 

 

Kahit mukhang ang init dun sa baba. 

 

"Oo daw. Sabi kanina pupunta siya after niya maligo." Si Ryujin ang sumagot.

 

"Baka nalunod na yun." Nagtawanan pa silang tatlo sa pahabol na hirit ni Ryujin. Kanina pang bidang bida. 

 

"Sayang, baka hindi na yata namin maabutan si Yun.. aalis na kami maya-maya eh." Parang nanghihinayang pa yata ang tono ni Karina. 

 

Naiinip na si Winter. 

 

"Okay lang yan, ate Kat! Nakita mo naman ako." Ayan na naman, si Ryujin na naman ang bida. 

 

"Hahahaha baliw ka."

 

"Bakit aalis na kayo agad?" Tanong ni Jeno. 

 

Kanina, nang makaupo sila dito, kinabahan si Winter dahil sa presensya ni Jeno. Mali pala, mas maiinis pa pala siya sa isa pang teammate ng bestfriend niya. 

 

Matagal na din niyang naririnig si Ryujin sa mga kwento ni Karina, pero minsan lang. Nagkataon lang na vice president ng classroom nina Karina noon si Ryujin kaya Pres-VP tandem sila. 

 

Nagkasama na din sila sa acquaintance party.. pero hindi naman niya ganun naramdaman si Ryujin noon. Sa sobrang outgoing, palaging naghahanap ng kakwentuhan. 

 

Kaya ngayon, alam na ni Winter. Kaya pala sikat na sikat si Ryujin, sobrang ingay. Laging bida. 

 

"May thesis pa daw kami eh."

 

"Ay wag na yaaan--"

 

If Karina wasn't rubbing her thumb on Winter's hand na hawak niya, Winter would feel out of place. 

 

"Baby." Tawag ni Winter, squeezing Karina's hand.

 

Mabilis na nakuha ang tingin ni Karina sa nickname na minsan lang banggitin ni Winter. 

 

"Hm?"

 

"Check natin yung mga booth sa baba." Pagyayaya niya, medyo mahina pa ang boses pero rinig naman ng mga katabi niya. Nahihiya kasi si Winter, nilakasan lang talaga niya ang loob niyang makisingit. 

 

"Ay tara!" Si Ryujin, excited na tumayo agad.

 

Humigpit ang hawak ni Winter sa bestfriend niya at pilit ngumiti kay Ryujin. "Kami lang ni Rina."

 

Natatawa si Karina, parang ang cute kasi na halatang nagseselos si Winter kay Ryujin.

 

Nagpaalam na sila sa dalawang mukhang ayaw pang paalisin si Karina at bumaba na. 

 

Tama nga ang hinala ni Winter, mainit nga. 

 

Si Karina, abala naman agad sa pagakbay sa manliligaw niya gamit ang braso niya kung saan nakahawak ang kamay ni Winter. Lalo tuloy silang hindi mapaghiwalay. 

 

"Mabait yung si Ryu ha, umayos ka Win." Pagsita sa kanya ni Karina habang naglalakad. Winter faked a scoff. Napansin pala ni Katarina na gustong gusto niya nang umalis dun kanina pa. 

 

"Wala naman akong sinasabi?" Pagsusungit niya pa. Ngumisi lang si Karina, kissing her temple. 

 

"Sus. Nagsasalubong na nga kilay mo."

 

"Makaasar ka dyan, akala mo hindi selosa." 

 

Napairap nalang ni Karina sa sagot ni Winter. Papasok na sana sila sa unang booth nang may sumingit sa gitna nilang dalawa-- nagkahiwalay din sa wakas.

 

Si Ningning pala, ngayong nakacling sa braso nina Winter at Karina, giggling.

 

"Ning, saan na si Gigi?" Tanong agad ni Karina at tumingin sa paligid. Huling alam niya kasi, magkasama yung dalawa. 

 

Nawala agad ang excitement at ngiti ni Ningning, "Nasa kadate niya." Sabi nito sabay turo sa may unahan. 

 

Nandun nga si Giselle, kasama si Yunjin sa may Tinapay booth. Nagtawanan ang magbestfriend, ilang araw na din nilang napapansin ng tension sa tatlo. 

 

"Aww, selos ka?" Ang galing talagang mang-asar ni Karina. 

 

"Hindi ha! Kaya ko din naman maghanap ng date." Pagdedefend ni Ningning sa sarili niya, rolling her eyes. 

 

Si Winter naman ang nagtanong, "Nasaan?"

 

Umiling-iling nalang si Ningning. "Wala. Ayokong maghanap." 

 

Tumigil na din naman ang dalawa sa pang-aasar. Napadaan kasi sila sa may Pop booth. May Taylor Swift standee pa kaya tuwag tuwa ang magkakaibigan. 

 

"Gusto niyo picturean ko kayo?" Si Ningning na ang nag-offer. Kanina pa kasing nagseselfie sa tabi ni Taylor si Karina tapos hihigitin si Winter na napipilitan nalang makisakay sa trip ng bestfriend niya.

 

Picture 1: Nakaakbay si Karina kay Winter. 

 

Ayos naman, tamang ngitian lang ng dalawa. Nakahawak pa si Winter sa forearm ni Karina na nakaikot sa leeg niya. 

 

Picture 2: Karina kissing Winter's cheek. Ayos lang din, cute na nakapout si Karina sa tabi ni Winter na nakapeace sign lang. 

 

Picture 3: Karina petting Winter's head. Ito ang medyo 50/50. Si Karina kasi, naexcite yatang pinayagan siya ni Winter na ipat ang ulo nito. 

 

Ningning swiped her camera to videocam at kinuhanan ng video ang dalawa niyang kaibigan na naghahabulan na naman. 

 

"Winter, dito ka nga!" Pasigaw na tawag ni Karina, nagjojogging papunta sa direksyon na nilalakad ni Winter. Big steps. 

 

"Ayoko! Ginugulo mo buhok ko eh." Gulo nga talaga, nagsusuklay pa si Winter habang patakbo na papalayo kay Karina. 

 

"Dali na, hindi na nga promise!" Tawang tawa si Ningning, umikot-ikot na kasi ang dalawang magbestfriend sa booth. 

 

NINGNING's

 

"Ning, may text na?" Umiling ako sa tanong ni Yej. Kumakain kami ngayon pero she's still thinking about work.

 

Ako ang nakaassign na makipagcommunicate sa dadating na order ng concrete mula batching. Pero bago yun, dump

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
hanbeo
hello! big thanks to those who supported, people who inspired me, helped and motivated me, esp. to my friends @.artemis and @.host. Finally got the winter/⭐️ hh I hope this story, its characters and the lessons remain a good memory to everyone na babalik-balikan as a happy pill.

Comments

You must be logged in to comment
6789gu8 #1
Chapter 61: Couldn't ask for a perfect ending for this chapter ng buhay nila, sobrang ganda 😭 yung emosyon ko habang nagbabasa 📈📉 KDJDKDKSKS
6789gu8 #2
Chapter 60: Nakisabay din ako sa pag iyak nina ning at gigi huhuhuhu fave chap so far 🥹
6789gu8 #3
Chapter 52: ༼⁠;⁠´⁠༎ຶ⁠ ⁠۝ ⁠༎ຶ⁠༽
6789gu8 #4
Chapter 51: Thank you po sa scene na sinuntok ni karina si ryujin... Napawi nang konti yung galit hahahahah

Pero grabe yung sakripisyo ni karina, alam ko naman na for the long run yung naging desisyon ni winter pero ibang klaseng torture yun sa relasyon nila. I'm glad karina never underestimated their love and trust for each other, if it's anyone nga like yeji said hindi magpapakatanga nang ganun pero kasi they don't know win and kat. Hindi nila alam gano kalalim yung tiwala at pagmamahal talaga nila sa isa't isa. It was never about just jealousy and doubts, yung distance rin talaga. They've been together their whole tapos biglang boom from Philippines to japan na yung distansya nila... Nainitindihan ko talaga, so much lesson learned like wag papasok sa ldr ganon charot 😭 hayyy ang saket saket pala ng story na to di ako na prepare
6789gu8 #5
Chapter 50: galit ako sayo author legit, di naman kasi malalamn ni ryujin na galit ako sakanya kaya sayo nalang.....

ANONG FOR THE REST OF THE YEAR NAMAN GRABE AKALA KO KASALAN NA NEXT EH 😭
6789gu8 #6
Chapter 49: Bat ang galing mong gumawa ng mga tarantadong character otor kuhang kuha mo galit at poot ko kay ryujin, natalo nya yung inis ko sa character nina jeno at minju sa ssd 😮‍💨
6789gu8 #7
Chapter 48: $+#+$++$*;+$$;-_$?#92($;"7$+$TANGJNANGAY YAN!!!!!!
6789gu8 #8
Chapter 47: SPOT ON SI NINGNING PUTABGINA!! HIGHBLOOD TALAGA AKES SANA LAST NA APPEARANCE NA NI RYUJIN PLS LANG
6789gu8 #9
Chapter 46: UGHHHHHHHHHHHGGGHHHHH BAKET MO GINAGAWA SAKEN TO OTOR 😭😭😭😭😭😭😭
6789gu8 #10
Chapter 43: Ang disrespectful na ni ryujin, would've given her a pass kung nagkulang sa reminders sina kat at giselle kaso naconfront na sya directly tapos parang wala lang... Idk what to feel abt her, gusto ko maawa na ewan ahhahaha