Starting Over Again 1/?

When She Met Her
Please Subscribe to read the full chapter

a/n: pasensya po ulit sa mga error :) hindi po ako mahilig magproofreading mahina ako sa part na yun :)


 

 

"Condolences po tita," ang sabi ko pagkakita kay tita na mugto ang mga mata at niyakap ko siya.

 

Niyakap din ako ni tita pabalik, "Salamat, Jimin."

 

Ramdam yung lungkot sa paligid ng bahay nila tita.

 

Namatay kasi yung pinsan ko.

 

Sa hindi inaasahan pangyayari namatay yung pinsan ko.

 

Dahil sa isang car accident. Nabangga daw ng isang truck yung sinasakyan na UV nito.

 

Si Minju.

 

Kahit ako hindi makapaniwala na wala si Minju.

 

Naclose kong pinsan.

 

Dati.

 

Hindi ko kasi kaya makita sila na magkasama.

 

Yes, dati.

 

Na hindi matitigil kung hindi lang niya naging girlfriend yung ex ko na si Minjeong.
 

 

Well si Jeo.

 

Mas prefer ko talagang tawagin siya sa nickname niyang Jeo, kasi ako lang talaga ang tumatawag sa kanya ng ganun. Eh, MJ talaga tawag sa kanya ng iba.

 

Nakikita ko siyang nakaupo sa tabi ng urn ni Minju, parang guard na nakabantay.

 

Kitang-kita ko sa mukha at katawan ni Jeo yung pagkabalisa. Kitang-kita rin ang lungkot sa mukha niya, paga yung mga mata niya dahil sa kakaiyak.

 

Jeo pa rin si Jeo na mahilig magcap ng black at Nakacap na nakabackwards. Tahimik lang siya, pero alam ko sa loob niya sobrang sakit ng pagkawala ni Minju. Kitang-kita rin sa mga mata niya ang pagod at puyat. Tinanong ko si Tita kung gaano na katagal si Jeo nakabantay sa Urn ni Minju.

 

"Kahapon pa," sabi ni Tita habang pareho kaming nakatingin kay Jeo na tumayo at naglabas ng panyo para punasan yung urn ni Minju. "Sabi ko nga matulog muna siya dahil siya yung nagasikaso sa funeral at report sa aksidente ni Minju kaso sabi niya ayaw niya. Babantayan daw niya si Minju."

 

Sa pagpunas ni Jeo sa urn, kita yung admiration niya sa urn ni Minju Minju. Napalunok ako sa narinig at nakita ko.

 

Mahal na mahal niya talaga si Minju.

 

Nagluluksa ako pero may kirot at inggit akong nararamdaman.

 

Naiinggit ako sa pagtingin ni Jeo kay Minju.

 

Wait.

 

Teka lang.

 

Bago kayo magconclude.
 

 

Wala agawan at sulutan na nangyari.

 

Dahil ako yung tanga.
 

 

Dahil ako yung bobo.
 

 

Dahil ako yung gaga.
 

 

"Baby?" Ang laki ng mga mata ko nang makita ko si Jeo na nakatayo pagkatapos kong makipaghalikan kay Jeno sa lugar kung saan ko siyang unang hinalikan.

 

 

"H-hayaan mo ko magpaliwanag," ang aligaga kong lapit dahil nabitawan niya yung roses na hawak niya at lalo nakita ko siyang nanginig.

 

Tahimik lang si Jeo. Introvert kasi pero kapag kaming dalawa or mga super close namin friends ay madaldal siya.
 

"Baby. I'm sorry. Mali yung nakita mo," ang hindi ko na alam ang sasabihin dahil natataranta na ako sa panginginig ni Winter.
 

"Friend. Ganoon ka na pala ang friends mo ngayon. Hinahalikan sa labi. Sana sinabi mo na lang na ayaw mo sa akin," ang kalmado niyang sabi pero ramdam ko yung nginig at galit niya.

 

"Maghiwalay na tayo, Jimin."

 

Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi ni Jeo at sinampal ng realidad nang makita kong may tumulong luha na umagos pababa sa mukha niya. Doon ko unang nakita si Jeo umiyak dahil sa akin.

 

Nagaway kami kasi bago yung gabi na yun.

 

Then ito na naging boba ako. Nakipaghalikan sa lalaking pinagseselosan niya.

 

I cheated on Jeo.

 

I cheated on my childhood best friend.

 

I cheated on the best girlfriend na pwede makuha sa mundong ito.

 

Oo, ako yung gaga. Hindi ko tinatago na isa akong napakalaking gaga.

 

Magkakilala na kami ni Jeo since birth dahil magkumare ang mga mama namin, at magkapitbahay pa kami.

 

Magkasing edad lang kami.  Kaya sabay kami ni Jeo nag-kinder, elementary, junior high school, at senior high.

 

Noong elementary, Hindi man kami laging classmates dahil lagi akong nasa star section, samantalang siya ay laging nasa section 3. Hindi kasi ganun katalinuhan si Jeo, pero masipag siya mag-aral at lagi ko siyang tinuturuan.

 

Mahiyain pa siya na kahit alam ang sagot, ayaw sumagot. Ok na sa kanya yung makapasa lang. Samantala ako, gusto ko nasa honors ako. Madami akong sinalihan na extracurricular activities para dagdag sa grades.

 

Kaya ako lang friend niya kasi hindi siya mahilig makipag-friends. Naaalala ko, lagi niya akong hinihintay sa gate para sabay kami umuwi. Sabay kasi kaming pumapasok simula pa lang noong kinder kami.

 

"JM, nandyan na yung service natin. Ang bagal mo. Uwi na tayo. Tsaka may binili akong palamig at pancake share tayo," sabi ni batang Jeo pagkalapit ko sa kanya.

 

 

"Cleaner kaya ako, jeonget."

 

Ako naman ay looking forward ako makasabay siya kasi lagi niya akong nililibre ng pagkain kapag uuwi or sabay kami.
 

 

Hindi naman kasi kami mayaman. Sakto lang ang pamumuhay na pinagaral kami sa public schools.
 

Then nagpatuloy kami sa Junior high school at pareho pa rin kaming sa school. Sabay pumasok at umuwi, kaya lalo kaming naging close.

 

Napapansin ko rin na mas lalo siyang nagiging boyish at masculine sa paggalaw at pananamit.

 

Pero tuloy pa rin yung not-so-friendly aura niya. Kaya mostly lagi kaming magkasama. Ayaw ko rin siya iwan dahil hindi marunong makipagkaibigan, parang wallflower ika nga. Baliktad kami, kasi social butterfly ako na gustong-gusto ng atensyon. Pero mas pinipili ko siyang samahan kaysa sa ibang friends ko dahil mas comfortable ako kapag kasama siya.
 

 

Then naging Ate-atehan niya ako at tutor kasi nabobother talaga ako sa mga scores niya na ok naman pero may ibubuga pa. Ayaw niya lang mageffort.

 

"Ano ba 'yan, Jeo? Hindi ko maintindihan kung bakit hindi mo pa rin magets 'to. Fraction lang 'yan, ang dali-dali," ang batok ko sa kanya habang tinuturuan ko siya.

 

"Aray. Ayoko ko na nga. Hirap mo naman tutor. Mas nakakatakot ka kaysa kay ate Wendy. Nangbabatok. Pagako nabobo kasalanan mo talaga," ang kamot niya sa ulo.

 

Binatukan ko ulit siya.

 

"Mas mabobo ka kapag hindi ka nagaral. Hindi puwede 'yang 'ayoko.' Hindi pwedeng hindi mo gets. Hindi ka makakapasa sa math kung ganyan attitude mo. Tuturuan kita hanggang maintindihan mo."

 

Pero ako hinahabilin ni mama kay Jeo dahil may pagkalampa ako dati. Dahil isang kanto na lang pauwi sa amin ay nadadapa pa or nahuhulog ako sa kanal.
 

"Ano ba yan JM? Araw-araw naman pareho lang na daan yung inuuwian natin tapos nadadapa ka pa sa pareho lugar," ang pigil niya sa tawa niya bago tulungan at abot ng malamig niya kamay sa akin.

 

Naalala ko noong oras na yun, hindi maganda yung pagkakadapa at natapilok. Ika-ika ako maglakad.

 

"Kaya mo ba maglakad?" tanong niya.

 

"Sakto lang naman. Masakit pero kaya ko naman," sagot ko.

 

Then bigla siyang yumuko, nag-aambang gusto niya ako ipasan o bigyan ng piggyback ride. Mas matangkad si Jeo noon kaysa sa akin. Hindi ko alam kung anong nangyari, bakit tumigil siya sa paglaki, at ngayon mas matangkad na ako sa kanya.

 

"Sakay ka na sa likod," sabi niya.

 

"Weh? Kaya mo ba ako? Mamaya mas mapahamak ako," tugon ko.

 

"Arte. Di huwag," ang biglang straight na tayo niya na nagmadaling iwan ako, may halong pagkainis.

 

 

"Hoyyyyy! Ano ganyanan na tayo? F.O tayo kapag naglakad ka pa palayo sa akin," ang sigaw ko na dahan-dahan lang lumakad, may halong tampo.

 

Napangiti ako dahil tumigil siya at bumalik siya sa akin.

 

"Takot ka naman pala mawala ako. Sige na ipasan mo na ako. Kaya mo ba talaga? Kasama gamit ko," sabi ko.

 

"Oo kaya kita. Tsaka konti na lang naman malapit na tayo sa bahay. Para hindi na lumalala yang tapilok mo. Sabihin ko rin kay tita yan," sabi niya, may halong pang-aalalay.

 

At ayun pinasan na nga niya ako. In fairness, kahit galing kami sa initan ay mabango pa rin si Jeo at kaya niya ako.

 

Napayakap ako sa leeg niya.
 

"JM, baka hindi tayo makarating sa bahay dahil patay na ako sa higpit ng pagkakapit sa leeg ko. Takot na takot yan na ihulog kita? Huwag kang tanga kasi pareho tayo mapapahamak pag ginawa yun."
 

 

 

"Oops, Sorry," ang natatawa kong sabi.

 

"Akala ko iiwan mo na ako. Takot ka naman pala mawala ako. Tandaan mo ako lang nakakatiis sa panget mong mukha," ang asar ko na habang naglalakad na kami pauwi.
 

 

 

"Parang gusto na kitang ihulog at iwan na talaga."

 

"Bakit kasi hindi ka makipagfriends? Masaya kaya."
 

 

 

"Bakit hindi mo ishut yang mouth mo? Ang baho kasi."

 

"Grabe ka. Excuse me three times a day ako nagbabrush ng teeth tapos nagmomouth wash pa. Baka hininga mo naaamoy mo. Tandaan mo malapit sa bunganga sa ilong."
 

 

 

"Okay."

 

Ganun bonding namin noon ang magasaran na minsan na pipikon namin ang isat-isa pero mas napipikon siya madalas at alam ko na yun kapag tumahimik na siya na may kasamang okay.
 

 

 

"Salamat pala, Jeo,"


 

"Para saan?"
 

"Sa pagpasan sa akin kahit ang init. Seryoso masakit yung pagkaplakda ko sa cemento. Mukha mahihirapan ako pumasok nito. Mukha natwist yung ankle ko."
 

 

 

"Huwag ka muna pumasok tapos sabihin natin kila Tita ipacheckup yan."

 

 

 

"Wala kang kasabay. Tsaka hindi ko makikita si Ethan."


 

"Tanga ka. Mas mawawalan ako ng kasabay kung magpatuloy kang pumasok lalo ng hindi mo makikita yung crushie mo," ang lingon niya sa akin.
 

 

Nagpatuloy yung best friend setup namin hanggang grade 8. Patuloy pa rin yung panglilibre niya ng food at paghihintay niya sa akin kada uwian, kahit minsan late na ako kasi may mga ganap pa ako after class. Kasali na rin kasi ako sa student council.
 

 

Kaya nakakaipon ako pambili ng mga merch ng Kpop dahil halos araw-araw na ako nililibre ni Jeo. Pero nililibre ko rin siya minsan para quits kami.
 

 

Pero yun nga lang parang nagkakarumor between sa amin. Dahil hindi rin ako nakakapansin ng pagiging masculine at boyish niya. Lalo na nagpagupit siya ng short hair at mahilig na siya magcap ng nakabaliktad.
 

 

Nakakaramdam na rin yung pamilya niya at inaasar siya ng, "That's my tomboy," kasi hindi niya bet mag-dress.
 

 

Then tinatanong na siya nila Tita at Ate Wendy kung tomboy ba siya. Well, hindi siya sumagot basta sabi niya lang mas comfortable kasi kung T-shirt T-shirt lang siya.
 

 

Noong una kong nakita nagpagupit siya ng short hair, parang may ibang ningning sa mata ko. Bagay na bagay kasi sa kanya. Lagi kasing mahaba ang buhok niya. Super cute niya na hindi ko minsan maalis yung mga titig ko sa kanya.
 

 

Pero nakakaramdam na ako na into girls siya, lalo na one time na hinintay niya ako sa court na nakasandal siya doon, nakatayo na nakalagay sa magkabilang bulsa ng palda niya yung mga kamay niya, parang mga boyfriend na naghihintay sa girlfriend nila.

 

Habang tumatagal, nagiging poging maganda siya na amoy baby boy na ramdam na ng lahat. Kaso, ayaw niya pang umamin na lesbian siya na nagtuturn into soft masc na. Which, ang maganda, tanggap siya ng pamilya na hinihintay lang magsabi siya. Baby bunso rin kasi, katulad ko.

 

"Tapos ka na?" ang malumanay niyang tanong pagkalapit ko, may halong ngiti sa mukha.

 

"Oo, kapagod nga mag-ayos para sa event. Tinulungan namin si Ma'am sa pag-aayos," ang angal ko kay Jeo, habang nakakunot ang noo ko sa pagod, na biglang kumalam yung tiyan ko sa harapan niya kaya natawa siya.

 

"Halata nga, nagpaparamdam na yung halimaw sa tiyan mo," sabi niya, habang nakangisi. 

"Halika, kain tayo diyan sa karinderya sa labas. Gutom na rin ako."

 

"Wala na akong pera, Jeo. Sa bahay na ako kakain," sabi ko, may halong pag-aalala sa mukha.

 

"Libre ko," sabi niya, ngumiti sa akin.

 

"Sige, tapos ako na bahala sa pamasahe natin," ang proposal ko sa kanya, na may ngiti sa labi, kasi masaya ako na lagi niya akong hinihintay.

 

Then nakita kami ng mga kasamahan ko sa student council na may ibang tingin. Hindi naman kasi palangiti si Jeo pero pagsaakin nangiti siya.

 

Naalala ko na yung mga ngitian nila. Natutukso na rin kasi ako. Kung girlfriend ko ba daw si Minjeong Dimaguiba ng 8C. Dahil parang girlfriend treatment yung ginagawa ni Jeo sa akin na hindi ko pinapansin na girlfriend treatment. Dahil sadyang nice lang talaga siya.

 

Dahil kasama doon kapag baha ay pinapasan ako ni Winter makatawid lang sa sakayan ng jeep pauwi kahit siya yung basa yung sapatos at pinayungan ako ni Jeo kapag maulan.
 

Syempre tinanggi ko dati dahil best friend at kapitbahay ko siya.
 

Para matigil yung rumor, in-entertain ko si Ethan, VP ng student council at classmate ko na top 1. Nagpaligaw ako dahil oo, crush ko siya noong grade 7 kami, at napag-alaman ko na crush din niya ako.

 

Syempre top 2 ako, at kahit humble ako, alam kong maganda ako. Maraming nagpaparamdam sa akin, lalo na sa chat, at sobrang daming friend requests sa Facebook.

 

Simula noon lagi na kaming magkasama ni Ethan at syempre kasama na doon yung landian na pumatay sa rumor sa pagitan sa amin ni Jeo.

 

Yun nga lang parang nagkaroon ng pader sa pagitan namin ni Jeo na kasama ko pa rin siya madalas pero para nagiging third wheel siya sa amin ni Ethan na uncomfortable na pala sa kanya. Dahil after 1 month sinagot ko si Ethan. Kaya hindi niya na ako hinihintay if sa uwian kapag pagpasok na lang kami sabay.

 

Pero kahit ganun may bonding pa rin kami kasi nga magkapitbahay lang kami lagi akong nakatambay sa tindahan nila na madalas siya yung pinagbabantay.

 

Lagi kong kinekwento yung sa amin ni Ethan.

 

"Sobrang solid namin, swear! Parang ang saya saya lang talaga pag kasama siya. Ang saya saya ng mga moment namin, sobra," ang kilig kong sabi habang humihigop ng softdrinks sa plastic.
 

 

"Ah ganun ba? Ang saya niyo naman"

 

Napansin ko ang curiosity sa kanyang boses, kaya tinuloy ko, "Sus, kaya mo naman magkaroon ng ganun dahil attractive ka naman."

 

"Akala ko ba pinagtitiisan mo lang mukha kong panget so lumabas din sa bibig mo na attractive ako," ang ngisi niya na nakasandal sa pader.

 

Umikot yung mga mata ko at iniba ko na yung usapan.

 

 

"Anyway, hindi mo naikekwento na may crush ka? Ganyanan na ba tayo? Pag ako todo kwento at ikaw wala. Kaya sino nga," ang pilit ko.

 

Napalunok ako ng sobrang lapit niya ng mukha sa akin at nagsalita.

 

"Ikaw."

 

Kinabahan ako kasi ayaw ko masira friendship namin that time at todo deny pa ako na nagkakafeelings na rin ako sa kanya.
 

 

"Ano?"

 

"Ikaw, itabi mo yang ulo mo. Nakaharang ulo mo at kukuha ako sardinas. May bumibili kaya. Puro ka kasi daldal," ang urong niya sa ulo ko para kumuha ng sardinas sa likod.

 

"Ilan po?" Ang tanong niya sa bumibili na sobra lapit niya na amoy na amoy ko yung mabango niya halimuyak.

 

Pagkatapos niya inentertain yung bumibili ay nagsalita siya

 

 

"Si Nikki."

 

"Yung sa be careful with my heart. Ang ganda niya kasi."
 

 

 

"Si Janella Salvador naman yun. Artista yun tsaka babae?" Biglang napaisip ako. Hindi ko alam kung bakit biglang pumasok sa isipan ko ang posibilidad na baka may gusto rin si Jeo sa kapwa niya babae na mapaamin siya. "I mean, bading ka ba, Jeo?" natatawang tanong ko, habang kinakabahan sa kanyang reaksyon.

 

 

Nagkaroon ng katahimikan sa pagitan namin.

 

 

"Paano pagsinabi kong oo? Tanggap mo ba ako?"

 

Agad ako sumagot. "Oo naman. Bestfriend kita."

 

Tumango siya at napangisi. "Salamat, BFF," ang diin niya.

 

 

"Pero sa atin lang muna. Sayo ako unang umamin. Alam kong ramdam nila mama, papa pero hindi pa ako handang umamin."

 

"Oo naman kasi hindi mo rin naman sinabi kina mama na may boyfriend na ako. Alam mong bawal pa ako."

 

Natawa siya at nagoffer ako ng pinky swear.

 

"Swear. Never ko ilalaglag ang best friend ko."

 

Then nagpatuloy yung relationship namin ni Ethan till grade 9. Tumakbo na ako VP at siya President ng student council na nanalo kami kasi malakas ang hatak namin. Lalong alam na magjowa kami.

 

Si Jeo naman ay Nagkakaroon na siya ng bagong friend ng dumating si Minju na nag transfer sa school namin. Naging classmate ni Jeo.

 

Masaya ako kasi may iba friend si Jeo maliban sa akin at pinsan ko pa na napakabait.

 

Na-attract din niya ang ibang girls kasi kahit cold at may not-so-friendly aura si Jeo, nakikipagusap naman siya at cooperative sa mga groupings o kahit anong may kinalaman sa pag-aaral.

 

Tsaka, attractive talaga si Jeo. Sobrang linis niya at hindi siya mukhang maasim.

 

Tapos nahatak na rin si Minju na hindi man niyang sabihin ramdam kong na gusto niya si Jeo. Dahil lagi niya bukang bibig kung into girls ba si Jeo sa mga chat namin. Kung ano ba daw type niya sa isang babae dahil bestfriend ko siya.

 

[Couz sissy🥵]

[Couz, thanks sa paghelp sa akin. Gets ko na yung lesson]

[Pwede magtanong]
 

[nagtatanong ka na couz]
(Couz reacted 😆)

[About kay Minjeong kasi]
[Matagal ba talaga magreply yun?]
[Kanina pa akong 3pm nagchat sa kanya kaso delivered lang. Online naman siya]
 

[hindi ko alam kasi mabilis naman siya magreply sa akin]
[pero minsan hindi nagrereply kasi busy manonood ng anime yun]
 

[Sana all may bff pass]
[Yun nga bading ba si Minjeong?]
[Amoy baby boy kasi siya]
[Tsaka dahil bff ka niya ano ba type niya sa babae?]

 

[hindi ko alam]
[crush mo ba si Minjeong?]
[into girls ka ba?]
 

[Yes couz]
[shhhh 🤫 ka lang kay mama ha]
[Seryoso hindi mo alam?]
[Mukha kasi siyang soft masc]
 

[hindi talaga]

[ I see pero okay lang ramdam ko naman sa radar na bading siya]

 

Hindi ko sinabi dahil nangako kay Jeo.

 

Nung chineck ko yung chat namin ni Ethan, 4 hours nang delivered yung message ko. Online naman. Napansin ko rin na parang nagiging cold siya at puro basketball na lang ang iniisip. Lalo noong hindi ko pinayagan may mangyari sa amin. Syempre natatakot akong mabuntis ng maaga. Simula noon naging cold siya. Pinayagan ko naman siya kasi ayokong maging toxic na girlfriend, pero napapansin ko na hindi na siya nagu-update madalas. Kapag baby time namin, lagi niyang sinasabi na pagod na siya at lagi naman daw kami nagkikita sa school. Update lang naman hiningi ko.

 

Nagchat siya.

 

[Love 💕]

[Slr, kakatapos lang ng game.]
[Pahinga na tayo]

[love, okay ka lang ba?]
[Ok lang ba tayo?]

[Oo naman]
[Ano naman problema mo?]

[kasi para bang kung hindi ako magchachat ay hindi ka magchachat]
[okay, gets ko naman na busy ka. Pero update ka naman, kahit short message lang. Nakakamiss ka kasi 😔]

[Lagi naman tayong magkikita sa school. Ano pa ba gusto mo?

[gusto ko lang ng konting update, Ethan. Para hindi ako nag-aalala 😥]

[Hindi ka ba makaintindi na madaming ginagawa sa school at may iba rin akong ginagawa. Hindi kita kayang i-update every minute]

[hindi ko naman hinihingi every minute.]
[kahit minsan lang. para alam kong okay ka.]

[Lagi ka na lang may reklamo. Hindi ba pwedeng intindihin mo na lang na busy ako?]

[Iniintindi ko naman. Pero parang hindi mo na ako pinapansin. Lagi na lang basketball 😢]

[Pagod na ako, Jimin. Hindi ba pwedeng chill lang?]

[chill lang ako]
[miss lang talaga kita 😭]

[Sige na. Matutulog na ako. Drama mo]

 

Sa badtrip ko ay nagrant na lang ako sa account sa twitter.

 

[Just when you thought you're on the same page, reality hits you like a ton of bricks. 4 hours, and all I got was "drama mo". Busy yet somehow always available elsewhere. 🤔 #cravingicecream]

 

Then pagkapost ko ay after ilang minutes ay tumawag si Jeo sa messenger.

 

"Sup," ang sagot ko.

 

"Labas ka."

 

"Why?"

 

"Basta."

 

"May ganap ako. Ano ba need mo?"

 

"Ako na lang pupunta sayo."

 

Kinakausap ko pa bigla akong pinagbabaan ni Jeo ng phone. Bastos din minsan kausap yun. Ilang minuto lang ay kumatok si Jeo.

 

Pagkabukas ko ng kwarto ay madala siyang cornetto.

 

"Para saan yan?"

 

"Naiyak ka sa twitter. May pa hashtag ka pang nalalaman. Pwede ka naman bumaba at bumili sa tindahan namin."

 

Napangiti ako dahil kakapost ko lang nakita kaagad ni Jeo.

 

"Stress?"

 

Hinila ko siya paloob at sinara yung pinto. Nagpababy na ako sa kanya at yumakap na kasi naiistress na ako sa relationship namin ni Ethan. Sa kanya ako tumatakbo kapag hindi kami okay ni Ethan at parang binabalewala ako nito.

 

 

"Opo, Jeo," ang higpit ko yakap at siksik ko ng ulo sa leeg niya.

 

"Si Ethan naman ba? Sinaktan ka na naman ba niya? Bakit 'di ka pa nadadala? Bakit kasi hindi ka na lang makipaghiwalay? Ginagago ka na lang nun."
 

 

Hindi ko rin alam kung bakit hindi ako nakikipaghiwalay kahit dama ko ng nagiba na si Ethan noon pero ngayon alam ko na.

 

Nafall na rin naman ako kay Ethan pero ang totoo.

 

Defense ko yun sa feelings ko para kay Jeo.

 

Na inlove na ako sa kanya bago ko pa nalaman.
 

 

"Hiwalayan mo na siya nandito naman ako."

 

Nagulat ako sa sinabi ni Jeo kaya kumawala ako sa pagkakayakap.

 

 

"Huh?" ang titig ko sa kanya.

 

"Sabi ko nandito naman ako na bestfriend mo. Ang talino mo ang tanga mo naman sa pagibig," ang batok niya sa akin.
 

 

 

"Aray."

 

"Diba masakit? Ganyan ka sa akin kapag tinuturuan mo ko. So ibabalik ko sayo para matauhan ka. Kainin mo na yang ice cream. Uuwi na ako. Maghuhugas pa ako pinggan. Tatalakan ako ni Mama kung hindi pa ako makapaghugas."
 

 

Iniwan na ako ni Jeo pagkaabot niya ni ice tapos may note.
 

 

 

(Tanga ka ba? Well, akong pick up line dito kasi TANGA ka talaga.)

 

Natawa ako. Na-realize ko na bakit pa ako magtitiis kay Ethan. May bestfriend naman ako katulad ni Jeo.

 

Kinabukasan, nakipaghiwalay ako kay Ethan. Casual lang dahil after one week, may iba na siya. Well, natawa lang ako kasi hindi ako nahurt that time. Kahit alam ko pinapamukha ni Ethan na kayang-kaya niya ako palitan.

 

Sorry, may Jeo ako. Yun nga lang, dumami yung fans ni Jeo nung sinali siya ng kanilang adviser sa singing contest noong nagkaroon ng foundation week. Marunong pala kumanta si Jeo. Nagulat din ako kasi madami pa akong hindi alam tungkol kay Jeo.

 

Alam kong kinakabahan siya kaya iniwan ko muna yung ginagawa ko sa student council para puntahan siya kasi malapit na yung singing contest at una siya kakanta.

 

Pero pagkarating ko doon, nakita ko na nandoon na si Minju. Pinapakalma na siya. Biglang may kirot sa puso ko ng makita kong hawak ni Minju yung mga kamay ni Jeo.

 

Sabi ko lalapit ako para i-cheer siya kasi yun naman ginagawa ko sa kanya pero nanigas yung mga paa ko. Tumalikod na lang ako kasi alam kong nandyan naman si Minju.

 

Hindi ko alam bakit ko ginawa yun at bakit may kirot sa puso ko.

 

Sumalang na siya at nasa crowd lang ako. Lumilinga siya na may hinahanap. Alam ko ako yun. Naguilty ako kaya kumaway ako. Pagkakita niya sa akin, napangiti siya.

 

Sumenyas ako na kaya niyang kumanta. Huwag kabahan. Matalo man o manalo, proud ako sa kanya. Ayun nawala yung panginginig niya.

 

Nagsimula na siya at nilabas ko yung phone ko para mag-video kaso nawala ako sa focus. Nang kumanta na siya, sa kanya lang ako nakatingin. Hindi na ako nakapag-record. Ang ganda ng boses niya, napaka-angelic at ang sarap sa tenga.

 

Habang kumakanta si Jeo, tila tumigil ang mundo ko. Parang nag-slow motion lahat ng bagay sa paligid. Lahat ng tao, ingay, at galaw ay naglaho. Tanging si Jeo lang ang nakikita ko. Yung bawat nota ng kanta niya ay tila dumidiretso sa puso ko. Ang bawat salita, bawat himig, ay parang lumulutang sa hangin at bumabalot sa akin. Nakatingin lang ako sa kanya, ramdam ko yung bawat emosyon sa boses niya. Napaka-pure at genuine. Nakakalunod ang bawat tingin niya sa audience, lalo na sa akin.

 

Ang mga mata ko ay punong-puno ng paghanga, ang puso ko ay punong-puno ng damdamin na hindi ko maipaliwanag. Habang nakatingin sa kanya.

 

After niya kumanta ayun ay agad ko siyang nilapitan.

 

"Ang galing naman," ang palakpak ko.

 

"Sabi sayo kaya mo, Jeo," ang bati rin ni Minju kay Jeo.

 

"Jeo?" Ang gulat kong sabi.

 

"Cutie kasi nung Jeo. Pwede naman MJ para pareho kami. Tsaka naririnig ko yun ang tawag mo sa kanya."

 

Medyo naiinis ako na parang may ibang tumatawag kay Jeo ng ganun, kasi gusto ko ako lang ang tumatawag sa kanya ng ganun. "Actually, mas maganda yung MJ kaysa Jeo," sabi ko, pilit na ngumiti.

 

"Pangasar ko kasi sa kanya yun. Ayaw niya ng Jeo ang tawag sa kanya kasi nilalagyan ko ng jeonget. Kaya naririndi siya."

 

Tumingin sa akin si Jeo at napangiti. "Tama si JM, ayaw ko nung Jeo. MJ na lang, okay na yun."

 

Ngumiti ako, feeling victorious. Para kasing privilege ko yun na ako lang dapat ang tumatawag sa kanya ng Jeo. At least, ngayong MJ na lang siya para kay Minju, akin pa rin yung special na nickname na yun.

 

Napatingin si Minju kay Jeo. "Okay, MJ na lang pareho tayong MJ. MJ love MJ. Ang cutie diba."

 

May konting irita ako sa part na yun ng marinig yun.

 

Ngumiti lang si Jeo kay Minju.

 

 

"Nagugutom ako."

 

"Tara, libre ko," ang sabay namin na sabi ni Minju kay Jeo.
 

 

"Huwag na. Samahan niyo lang akong dalawa. May kaba pa rin kasi ako. Need ko kumain para mawala. Mamaya pa naman yung result."

 

Nakasukbit yung arm ni Minju kay Jeo na nakakadama ako ng inis pero hinayaan ko lang. Nasa side lang din ako ni Jeo.

 

"Jimin!" Ang tawag sa akin ng pamilyar na boses.

 

"Ethan."

 

"Jimin, iniwan mo yung trabaho mo. Kailangan ka namin ngayon. May urgent na kailangan pang ayusin dito sa event," sagot ni Ethan, na halatang naiirita.

 

Huminga ako ng malalim at tumingin kay Jeo. "Jeo, pasensya na. Balik lang ako saglit. May kailangan lang akong tapusin."

 

"Okay lang, JM. Intindihin mo muna yung duties mo. Kasama ko naman si Minju."

 

"Susunod na ako agad. Promise!" sabi ko, pilit na ngumiti.

 

Nagsimula na akong maglakad palayo, pero narinig ko pa si Ethan na nagsalita sa likod ko. 

 

"Alam mo, Jimin, hindi mo dapat pinababayaan yung mga responsibilidad mo sa council. Kung hindi mo kaya, sabihin mo na lang."

 

Tumigil ako at binalikan si Ethan, kita sa mukha ko ang inis. "Alam ko yung responsibilidad ko, Ethan. Huwag mo akong sumbatan. Ngayon lang ako umalis at may iniwan. Bestfriend ko si Jeo, and she needed my support."

 

"Bestfriend lang ba talaga?" may pasaring na sabi ni Ethan, na halatang pinapaamin ako sa feelings ko para kay Jeo.

 

At pinapaalala ang past relationship namin na akala mo ako yung may pagkukulang at may responsibility pa ako kanya.

 

"Oo, bestfriend ko si Jeo," sagot ko, na may diin sa bawat salita. "Kung meron man akong nararamdaman para sa kanya, problema ko na yun. Labas na doon. May girlfriend ka na dibang bago? So Huwag mo na akong pakialaman."

 

Hindi na nagsalita si Ethan at tumalikod na lang. Tumungo ako pabalik sa student council room na patahimik din ako sa sinabi ko that time.

 

Narealize ko na hindi na lang bestfriend tingin ko kay Jeo. Kaya kapag nakikita ko sa kausap yung mga classmates niya na parang kinikilig sa kanya nakakaramdam ako ng inis na akala ko noong una ay inis lang kasi kinukuha nila yung attention ng bestfriend ko.

 

Dahil nagseselos na ako. Dahil dati sa akin lang umiikot yung attention ni Jeo.
 

 

Hindi ko sinasabi na sa akin lang dapat umikot mundo niya kaso naiinis lang ako kapag nilalandi nila si Jeo.
 

 

Pagkatapos ng event ay nanalo si Jeo as champion sa singing contest.
 

 

Tapos ayun sabay kami umuwi at naglakad pauwi sa amin. Tahimik kami pareho dahil naaalala ko yung sinabi ko kay Ethan.
 

 

"Ok ka lang ba?" tanong ni Jeo, na nagpatigil sa akin sa pag-iisip.

 

"Huh?" ang tanong ko, ngunit agad kong narealize na masyado akong nalunod sa sarili kong mundo.

 

"Oo, pagod lang. Congrats jeonget ko," ang smile ko sa kanya na dama na yung pagod ko.

 

"Ipapasan sana kita kaso mas matangkad ka na sa akin," biro niya sa akin, na nagpapawi ng kaunting tensyon sa aming paligid.

 

"Baliw. Hindi naman na ako nadadapa at lampa."

 

"Jeo," ang tigil kong maglakad.

 

"Ano yun?" ang tanong niya, na dala ang isang bakas ng kuryosidad sa kanyang mga mata.

 

"Anong type mo sa isang babae if ever?" ang tanong ko sa kanya, na may halong kaba sa boses.

 

"Kasi ikaw yung type ko sa babae," biglang sabi ko, hindi ko alam kung saan nanggaling ang lakas ng loob ko.

 

Napatigil kami pareho, na parang mga manikang nasa display at ang awkwardness ay nagsilbing harang sa pagitan namin.
 

 

"Ewan ko bahala na," pasimpleng sabi ko sa aking sarili. Ito na yata yung isa sa mga bagay na hindi ko inisip. Alam ko lang ayoko maagaw sa akin si Jeo sakin kahit sa pinsan ko pa.

 

"Ikaw, Jimin. Ikaw yung type ko," ang mabilis niyang tugon, na nagdulot ng isang magandang balintataw sa aking mundo.

 

"Gusto kita, Jimin," ang pag-amin niya, na sumalangit na ang mga damdamin ko.

 

"H-hindi ko alam kung paano ko sasabihin 'to, pero gusto kita. Ikaw lang yung nandyan para sa akin, JM. Natatakot lang ako umamin kasi pareho tayo babae at ayoko mailang ka. Lalong layuan mo ko at wala ka sa akin. Alam mo masakit sa puso ko noong naging kayo ni Ethan pero wala akong magawa kasi hindi naman tayo pwede."

 

"Pwede tayo, Jeo," biglang nasabi ng bibig ko, na tila hindi ko naman pinlano na sabihin.

 

"Huh?" ang kanyang reaksyon, na dala ang halong gulat sa mga sinasabi ko.

 

"Sabi ko pwedeng maging tayo. Gusto mo bang maging girlfriend ko?" ang tanong ko sa kanya.

 

"Parang ang bilis naman, JM. Teka lang hindi ako prepared. Ayaw mo ba ligawan kita?"

 

"Huwag na. Kilalang-kilala na kita pati amoy ng utot mo," biro ko sa kanya, na nagpapakita ng kahandaan ko.

 

"Seryoso ka?" ang tanong niya, na dala ang isang bakas ng pag-asa sa kanyang boses.

 

"Ayaw mo ba?"

 

"S-syempre gusto ko. Sino ba ako para humindi sa isang Jimin? Nakakabigla lang kasi sa random na araw magiging tayo na agad," ang kamot sa ulo niya.

 

Tapos luminga ako sa paligid at napaka-risky ng ginawa ko. Hinalikan ko saglit si Jeo sa labi at kita ko yung gulat sa mukha niya. Tapos tumakbo ako palayo sa kanya, natatawa, na parang sasabog yung puso ko.

 

Kahit parang ang bilis ng nangyari sa amin na one click, naging kami sa isang random Friday, tumagal yung relationship namin.

 

From grade 9, grade 10, senior high as STEM students, at naging classmates na rin kami dito. Ang balak kasi namin, ako mag-architecture at si Jeo naman ay civil engineering para perfect sa isa't isa talaga. Gusto rin naming mailipat sa magandang bahay yung family namin. Well, ok naman dito kaso both pamilya namin nagrerent lang ng bahay. Gusto kasi namin yung mukha rich na bahay na napapanood namin sa TV  lang. Ako gagawa ng plan, si Jeo magtatayo.

 

Pero bago yun nalaman ko umamin si Minju kay Jeo ng iwan ko sila kaso nireject siya ni Jeo. Dahil sabi niya may iba na siyang nagugustuhan which ako nga yun. Pinalaam ko kay Minju na kami na ni Jeo at sabi naman niya no hard feelings. Kasi dama naman niya na may feelings si Jeo sa akin at ako para kay Jeo. Nagtataguan feelings lang daw kami. Tsaka hindi daw siya magsusumbong sa mama ko dahil siya rin naman may tinatagong kabadingan. Sabi niya lang huwag ko daw saktan si Jeo kundi hindi siya magaatubili na saluhin ito.

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Gelsun
Hi po, thank you sa kind comments pero sad to say hirap ako gumawa ng special chapters lalo na kung tapos na sa utakiz ko. And by the way, gagawin kong dump itong mga naiisip ko na story na hindi masyado need ng commitment . Kayo na ang bahala if babasahin niyo pa po :)

Comments

You must be logged in to comment
kwinminjeong
27 streak #1
Chapter 4: Chapter 4: ang sakit sakit kaya maloko 🥲 dun palang sa part na di sinabi yung totoo and nag sabi nalang ng alibi para lang di pumangit image ni rinrin sa fam nya and si jeo pa nag initiate hahaha ang lucky na ni rinrin dun. no to second chance 'tor,,, grabe lang yung relief kapag di mo na binibigyan ng 2nd chance yung nagcheat sayo kasi di ka naman martyr at alam mo worth mo at tama lang ginawa ni jeo dun. siguro mas maganda kung being a better version of themselves nalang (esp rina) kahit tulungan nya lang siguro si jeo maging okay siguro parang friend na tumutulong ganern pero walang balikan plZ bwhahfhsjsh and sana maging doble yung swerte na balik kay jeo kasi grabe napagdaanan nya hui! sana may sandalan shang mga friendz nya if ever kasi baka anung gawin nya! kaiyak pakshet
Enterusername_here
12 streak #2
Chapter 4: Ang init na nga mas uminit ulo ko sayo rina. Hayyysss desurb mong masaktan
rinagayed
#3
Chapter 4: amg satisfying talaga nung real yung break up pag may cheating yung di nag bibigay ng second chance? gamon taena di kasi pagkakamali yung cheating eh tangina choice mo yun eh so wlanulol dcurb mo dat nga di ka nagmomove on dapat ganyan ka lang masaktan ka lang everyday
Etoile__
382 streak #4
Chapter 4: ASFGSGAHAAFGSGAS parang nandilim paningin ko nung nalaman kong nag c**** si ate mo gurl
karinasaurus11
74 streak #5
Ang ganda ng story! Thank you author-nim! 🥹❤️
hyehye29
#6
Chapter 3: para akong nanood ng movie huhu ganda ng story thank you for sharing this to us <3
Etoile__
382 streak #7
congratulations 🎉🎉🎉
reveluv316 812 streak #8
congrats
ryujinie__
727 streak #9
Congrats!
yowyowminji
#10
Chapter 1: This is super cute, at na-conyo din ako while reading hahaha