Chapter 2

Signa: Hug O.D

Chapter 2

 

Gumising kang yakap ang unan. Chineck mo sa phone mo ang oras. 8:47. Mukhang napasarap ang tulog mo. Halatang pagod na pagod ka sa trabaho kagabi.

 

Dumiretso ka sa cr pagkabangon, nagtoothbrush at naghilamos. 

 

While going downstairs, you remembered Irene's words last night. 

 

What if mag-live in na nga kayo? Will she be offended if you say na hindi ka pa ready?

 

“Good morning! May pancakes dito, kain na tayo.” 

 

Ang ganda ng umaga mo. May magandang babaeng mahal na mahal ka na nagprepare ng breakfast para sa'yo. 

 

Parang ang sarap gumising araw araw kung ganito.

 

Napaisip ka. 

 

“Good morning.” Sabay yakap mo kay Irene.

 

Kung magka-live in na kayo ni Irene hindi ba parang ganito ang araw araw mo? Hindi man palagi pero madalas. Inevitable ang problems sa relationship pero you and Irene will always try to get through it.

 

Naupo na kayo. Naglagay ka ng pancake sa plate ni Irene at naglagay ka rin sa plate mo. 

 

“Seul, kapag under the same roof na tayo… ano gagawin mong chores?”

 

Obviously, gustong gusto ni Irene na makasama ka talaga. It's a good thing kasi halatang sure na sure na siya sa'yo.  

 

“Maghugas ng pinggan, pwede rin maglaba tsaka magplantsa.”

 

Napangiti si Irene sa sinabi mo. 

 

“Gusto ko ‘yon, ling. Magluluto ako tapos ikaw maghuhugas ng mga ginamit ko.”

 

Aminin mo, ganoon naman talaga ‘yung iniimagine mong scenarios. Mundane activities kasama ang partner mo. It might seem very ordinary pero it means a lot to you.

 

 

 

 

Just like what you said earlier na ikaw ang maghuhugas ng pinggan, ‘yun nga ang ginawa mo pagkatapos ninyong kumain habang si Irene, nagdilig ng plants nya sa labas. 

 

While washing the dishes, bigla ka na lang nakaisip ng something. 

 

What if magpropose na ako kay Irene?

Ang sama ko bang tao na hindi pa ako ready na tumira kami sa iisang bahay?

Sure naman na ako kay Irene, hindi ko lang talaga alam kung ready na ba ako sa live in.

What if magalit siya kapag sinabi kong hindi pa ko ready?

Natutuwa ako na gusto ni Irene na makasama ako sa iisang bahay pero parang problema talaga yung sarili ko.

Nakaipon na ba ako ng enough for us?

 

Nagulat ka sa naramdaman mong mga braso na pumulupot sa tiyan mo. Shet talaga naman may backhug pa.

 

“Ling? May iniisip ka ba? Ang tagal mo maghugas ng pinggan eh.”

 

Oo o oo?

 

Hindi ka sumagot.

 

“Huy. May problema ba?”

 

Meron. Ako.

 

Tinanggal na ni Irene ang pagkakayakap niya sa'yo. Naglakad na siya palayo.

 

“Ling! Irene! Ano… will you marry me?”

 

Napatigil si Irene sa kinatatayuan niya. Natahimik kayong dalawa. Agos lang ng tubig na nanggagaling sa gripo ang naririnig niyo. 

 

Dahan-dahang lumingon si Irene sa'yo.

 

“Ano?” Walang emotion sa mukha niya. Kinabahan ka. Bakit ba kasi yun ang nasabi mo? Uulitin mo ba?

 

“Nevermind. Magprepare ka na, may pasok ka pa mamaya.”

 

Tinapos mo na ang paghuhugas ng pinggan. Nag-isip ka ulit.

 

Hindi ba talaga niya ako narinig? Kung hindi, edi thank goodness. Kung nagkunwari lang siya na hindi ako narinig, jusko po disgrasya.

 

 

 

 

 

“Seul? Huwag mo na ‘ko sunduin later. Kakain kami ni ate Taeyeon after ng work.”

 

Tumango ka lang.

 

Tahimik na ulit kayong dalawa. Nagsscroll lang si Irene sa phone niya at ikaw nagfocus ka na lang sa daan. 

 

“Sa’n punta niyo ni ate Taeyeon? Pwede ko naman kayong sunduin.”

 

“Huwag na. Mag-rest ka na lang.”

 

Ang cold. Galit ba siya dahil sa nangyari kanina? Tangina, Seulgi, what have you done?!

 

Huminto na kayo sa Mercury Drug. 

 

Ikikiss ba ko ni Irene or ako na mauuna kumiss? Kaso mukhang galit eh.

 

“Ingat kayo ni ate Taeyeon later. Enjoy.” 

 

“Thank you, Ling.” Irene forced a smile. 

 

Ikikiss mo sana si Irene kaso may kumatok sa sasakyan niyo. Si Joy. 

 

Binuksan na ni Irene ang pinto at lumabas. Ngiting-ngiti naman sa'yo si Joy at kaway pa nang kaway. 

 

“Seul! Ingat! Ako na bahala kay Irene!”

 

Natawa ka. Punong-puno na naman ng energy si Ligaya. 

 

“Salamat, Joy!”

 

Sinara na ni Joy ang pinto at nakita mong inakbayan niya si Irene. 

 

 

 

 

 

 

 

 

Kaninang umaga 

 

Irene: Mga teh i think galit sakin si Seulgi

Taeyeon: Why bebe girl? What happened?

Joy: You think??? Parang hindi naman non kayang magalit sayo sissy

Irene: Idk kung tama pagkakarinig ko sa sinabi niya kanina pero parang will u marry me eh

Taeyeon: oh? Ano bang sinagot mo bakla

Joy: Nag-no ka ba kaya galit ang beshie ko???

Irene: Sabi ko “ano?” :(((

Joy: tapos????

Irene: nevermind daw tas maghanda na raw ako para sa work

Taeyeon: tungaw

Taeyeon: baka bungol ka lang

Taeyeon: alam mo ikaw maganda ka kaso bungol at assuming ka minsan beb

Joy: gago bat naman ganyan ka ate taeyeon 

Taeyeon: charot lang Irene pero kasi sana inulit nya??? 

Irene: yun nga eh :( pero baka hindi talaga yun yung tinanong kaya hindi inulit 

Joy: May hawak bang singsing?

Irene: wala

Taeyeon: wala naman pala eh

Joy: pero teh malay mo yun nga talaga tinanong. Kausapin ko yan later

Irene: wag naaa

Joy: mga teh what iffff si seulgi talaga yung bungol??? Baka akala nya “no” yung “ano”

Taeyeon: shonga sasagot ba yon ng nevermind kung “no” ang pagkakarinig nya? Baka umiyak na agad yon bebe

Irene: hayaan na nga yon

Joy: teh Irene baka akala mo lang kasi na galit? Baka hindi naman eh

Taeyeon: oo nga gurl tinanong mo ba kung galit sya?

Irene: hindi 

Joy: jusq beh wag mahihiyang magtanong kung may Ritemed ba nito

Taeyeon: Hoy Rhea tayo

Joy: ayyy

Joy: pero ayun nga teh tanong mo muna

Taeyeon: oo nga itanong mo para malinaw. Baka nga hindi naman talaga galit bebe isang kiss mo lang jan wala na galit nyan

Joy: mga bakla ligo na may pasok pa later na ulit chikabels

Irene: sige na girls thank you. See you later

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
moksy12 #1
Chapter 2: cute
eunxiaoxlove #2
Chapter 2: Hahaha yes comms is the key
Pristinemoon
#3
Chapter 2: Communication is da key my friends 😶😶
eunxiaoxlove #4
I like it already