22 With Wowas

TT (Khio's Adventures) 🦖🦕
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

"Ayan ganyan apo, isa-isa wag mo isasama ang tangkay hane? Dahon lang ang tatanggalin mo." turo ni lola Susan sa apo nyang si Khio na ngayon ay himalang nag-prisintang tumulong sa kanya sa kusina. 

 

 

"Ganito po wowa?" tanong naman ni Khio sa matanda na agad din tumango ng makita na tama ang ginawa ng apo. 

 

 

"Oo ayan ganyan nga, tapos ilagay mo dito sa mangkok kapag nahimay mo na." dagdag pa ni lola Susan, inihanda na din nito ang isang mangkok sa lamesa kung saan naka-upo si Khio. 

 

 

Nasa ibabaw kasi ng lamesa naka-upo ang kanyang apo, dahil may kataasan nga ang kanilang lamesa kaya hindi pa ito abot ni Khio kung uupo ito sa bangkuan. Kaya naman sa tuwing ka-kain nga sila ay lagi itong sa ibabaw ng lamesa naka-pwesto.

 

 

Hindi tuloy maiwasan ni Aling Susan na maalala ang nanay nito, ganito din kasi si Winter noong bata pa ito dahil may kaliitan nga, kaya kahit saan ilagay ay kasya. 

 

 

"Otey po wowa." ani Khio.

 

 

Maingat nga nitong hinimay ang mga dahon ng malunggay na ila-lahok ni lola Susan sa lulutuin nitong tinolang manok. 

 

 

Napangiti na lang ang matanda dahil sa unang pagkakataon ay pumayag si Khio na pumirma at gumawa ng gawaing bahay. Wala din naman kasi itong choice, dahil nasa Batangas ang lolo Vicente nito kaya wala itong kasama na pumunta sa bukid. 

 

 

"Ang galing talaga ng apo ko." puri ni Aling Susan kay Khio na tumingala pa sa kanya at ngumiti, kaya naman napangigilan nya pa ito ng halik sa pisngi at leeg nito na i-kinatawa ng apo nya. "Ang bango bango pa." 

 

 

"Hindi pa po ato yigo wowa." 

 

 

"Mabango ka pa din naman apo kahit wala ka pang ligo, kaya sige, tapusin mo na yan para maka-ligo ka na habang nagluluto si lola." 

 

 

"Otey po wowa." 

 

 

Maya-maya nga ay na-busy na sina Aling Susan at Khio sa paghihimay at paglu-luto ng hapunan. Natuwa naman ang matanda dahil nakaka-tagal ang kanyang apo sa pag-hihimay ng malunggay, kaya nakaka-pagluto sya ng matiwasay. 

 

 

Ngunit sa kalagitnaan ng kanyang paglu-luto ay may narinig si lola Susan, tila ba tunog iyon ng isang maliit at galit na hayop. Kaya naman agad syang lumingon kung nasaan si Khio na ngayon ay nakatingin na din sa kanya.

 

 

Tatanungin pa sana nya ito kung nasa ilalim ba ng lamesa si chuychuy ng mauna na itong mag-salita. 

 

 

"Wowa? Batit hindi na yang po natin yagay pati tangtay ng mayunggay? Yayambot din naman po ito tapag nayuto na." tanong ni Khio sa kanyang lola Susan habang hawak-hawak ang isang tangkay ng malunggay na kanyang hini-himay. 

 

 

Madami-dami naman na syang nahimay, ngunit ng tingnan ulit ni Khio ang isang bugkos na malunggay na nasa bilao ay tila ba lalong kumalam  ang kanyang sikmura sa gutom. 

 

 

Lihim na lang na natawa ang matanda sa itsura ng kanyang apo, ina-asahan na nya itong mangyari, lalo't sanay si Khio sa bukid, dahil habang katulong ito ng kanyang lolo sa mga gawain doon ay nag-ngangat-ngat ito ng kung ano-anong prutas ang mayroon sa bukid. 

 

 

Kaya hindi ito nai-inip doon dahil lagi itong busog. 

 

 

Hindi kagaya sa gawaing bahay, madili itong mainip, parang si Ryujin noon. Mas gusto pa ang maarawan sa bukid kesa ang tulungan silang mag-tahi sa bahay. 

 

 

"Hindi kasi iyan kinakain apo, tsaka matigas ang tangkay ng malungay kahit pakuluan pa." paliwanag pa ng matanda kay Khio.

 

 

Napa-kunot naman ang noo ni Khio, pagkatapos ay nang-haba din ang nguso nito habang tinitingnan ang madami-dami pang malunggay na kanyang hihimayin. 

 

 

"Bata po tommowow pa ato matapot dito mag-himay ng dahon ng mayunggay wowa, vewy hungwy na po ato, gayit na po ang mga dinotors ta tummy to, nag-rawr rawr na po tiya." 

 

 

Growl~      

"Tee wowa, gayit na tiya." ani Khio nang bigla ngang tumunog ulit ang sikmura nito. 

 

 

Natawa na lang ang matanda ng ituro pa ni Khio ang tiyan nito na sunod-sunod na nga ang pag-kulo, lalo na't ang akala nyang uma-angil kanina ay si chuychuy na alagang tuta nito, ayon naman pala ay sikmura na ng kanyang apo. 

 

 

Kaya agad na inabot ni lola Susan ang piniritong saging na saba na tira pa nila kaninang umagahan, pagkatapos ay inihain nya iyon sa harapan ni Khio na nasa lamesa. 

 

 

"Kawawa naman ang apo ko, eto kumain ka muna apo, akala ko kasi'y si chuychuy ang galit kanina, mga dinosaurs mo naman pala iyon, pasensya na mochi." nangingiting paumanhin na lang ng matanda sa kanyang apo. 

 

 

Halos mapapalak-pak naman si Khio sa tuwa ng makita ang ibinigay na pagkain sa kanya ni lola Susan.

 

 

"Wow pwitong taging! Otey yang po wowa, tenchu po~ natata-gutom naman po paya mag-himay ng mayunggay wowa. Mat otey pa tuha na yang ato pang-gatong ta butid." sabi pa Khio na magana ng kumakain ngayon ng piniritong saging. 

 

 

Binitiwan na din nito ang malunggay na hawak at nag-focus na lang sa kinakain nitong saging.

 

 

Lihim na lang na napangiti si lola Susan sa itsura ng kanyang apo na busy ng kumain ng meryenda nito. Na-upo na din sya sa upuan na katapat ni Khio, at sya na din ang nagpa-tuloy sa paghi-himay ng mga malunggay. 

 

 

Burp~      

"Echute me po." 

     

Halos hindi pa nata-tapos himayin ng matanda ang dalawang tangkay ng malunggay ay narinig na agad nya ang malakas na pag-dighay ni Khio. Nang tingnan nya ito ay ubos na nga ang limang pirasong hiwa ng saging na ibinigay nya dito. 

   

"Na-ubos mo na agad?" gulat na tanong ni lolo Susan sa kanyang apo na nagpu-punas na ng kamay at bibig nito gamit ang bimpo.

 

 

Ngumiti naman si Khio pagkatapos, dumampot na ulit ito ng isang tangkay ng malunggay para mag-simula na ulit mag-himay na parang walang nangyari. 

 

 

"Hehe..tabi po tayo wowa eh, gutom na mga dinotors to." 

 

 

______

 

 

Isang umaga ng Biyernes ay naisipan sumama ni Khio sa kanyang lola Soledad para mamili ng u-ulamin nilang mag-anak mamayang hapunan at para kinabukasan. Dahil tuwing sabado at linggo nga ay nagti-tipon ang kanilang buong pamilya sa bahay nila lolo Vicente at lola Soledad. 

 

 

Ngayon nga ay hini-hintay ni Khio ang kanyang lola na namimili ng mga bangus at tilapia na i-ihawin mamayang hapunan, at nandito sila ngayon sa pwesto ng isdaan sa suki nito na si Aling Lucy. 

 

 

"Ayan na ba ang inyong apo sa tuhod manang Sol?" tanong ni Aling Lucy kay lolo Soledad habang ini-ngunguso nito si Khio na naka-tayo sa tabi ng matanda habang palinga-linga ito sa paligid.

 

 

"Oo si Khio, anak ni Winter." malaki ang ngiting sagot naman ni lola Soledad.

 

 

Basta talaga tungkol sa mga apo nito ay ngiting proud na proud ito palagi. 

 

 

"Napaka-gandang bata naman ho ng apo ninyo manang Sol, ang lusog-lusog pa, sabihin nyo ho kay Winter ay mag-anak ng madami, eh kagandang lahi nilang mag-asawa hane?" dagdag pa ni Aling Lucy na hindi mawala ang tingin sa batang kasama ni Lola Soledad. 

 

 

Paano'y kahit naka-pajama lang ang suot nito ay sobrang pansinin na sa loob ng palengke. Maski nga ang ibang nadaan ay napapansin din nyang napapalingon sa apo ng matandang suki nya. Ang nakaka-tuwa pa ay palangiti ito na lalong kina-gigiliwan ng mga tao na nakaka-pansin dito. 

 

 

Maliban kasi sa maputi at makinis ang balat ng bata ay para itong manyika na guma-galaw. Lalo pa't maging ang mga pisngi nito na may dimples ay halos ka-kulay na ng mga laruang maniyak na kanyang nakikita, mamula-mula ang matambok na pisngi ng apo ni lola Soledad.

 

 

Maha-haba at mapilantik din ang mga pilik-mata na lalong buma-bagay sa mga mata nitong tila sumasabay din sa pag-ngiti nito.

 

 

Maging ang kilay nga nito ay natural na may korte na kahit bata pa, at ang mas napansin ni Aling Lucy ay ang ilong ni Khio. Maliit ito na matangos, bagay na bagay sa magandang nitong mukha. 

 

 

"Sus, huli ka na sa balita Lucy

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Jaeeeeee_
219 streak 0 points #1
Khioooo waaaaaaaahhh
winjeongsimp 0 points #2
Chapter 22: miss u baby mochi
joyheartsoshi
0 points #3
Chapter 22: nami miss ko na ang mochi ko 🥹🥹
Eybrelros 0 points #4
Chapter 12: Ngayon ko lang napansin sosyal pala ng chef nila dito hahaha si Papa P ata to ng starting over again . Chef Marco na may jowang kamuka ni mama Mary. naalala ko lang😂

Kelangan ko ng vitamin khio kaya nagrereread ako hahahahahahaaaayyy namiss ko ang inaanak namin na yan
asdfghjklmaeee
170 streak #5
Chapter 22: Wow singer at dancer talaga ang mochi na 'yan. Sobrang cuteeeee 😚
jaangwaang
909 streak #6
Chapter 22: 😍😍😍😍
iamriou_
1187 streak #7
Upvoted and Subscribed!!!! 🥳
howdoyouknowmee
564 streak #8
Superr cutie Khio! Sana more moments pa niya with wowas hehe ang cute niya sa palengke. And baby sone indeed!
ilyy12020530 #9
Chapter 22: baby sone khio💙💙💙
bigaomyeon #10
Chapter 22: hindi ko kinaya yung version ni khio ng i got a boy 😂😂😂

happy belated mother’s day!