Chapter IV

If We Never Met
Please Subscribe to read the full chapter

"Karina, kumusta interviews mo?" iyon agad ang bungad sa akin ni Giselle pagdating ko sa pastry shop niya, dumiretso talaga ako rito instead na sa bahay kasi for sure maabutan ko don si Winter, nakakabwisit ba naman kasi yon kaninang umaga kinain niya ba naman yung breakfast ko. 

 

 

"I don't know, Gi." 

 

 

"What happened?" inaya ako ni Giselle at Ningning na maupo sa isang table, nagpakuha na rin siya ng coffee kay Wonyoung. Grabe sa ngayon talaga ang mapapasalamat ko na lang ay ang libreng coffee ko rito sa shop. 

 

 

"I think I messed up my interviews." 

 

 

"What do you mean you messed up?" tanong ni Ningning sa akin. 

 

 

"Eh kasi..hindi naman ako sanay and I really don't know what to say, I became honest." 

 

 

"Like..?" curious na tanong ni Giselle. 

 

 

"They asked me, why should we hire you?" napapikit ako nung maalala ko na naman yung sagot ko. 

 

 

"Anong sabi mo?" 

 

 

"Then sabi ko "Kasi you need employees? yun naman talaga purpose diba? kaya kayo hiring?" natawa si Ningning dahil sa sinabi ko pero yung nag-interview sa akin kanina hindi ata natuwa. 

 

 

"May point ka naman ah!" tawang tawa pa rin talaga siya pati tuloy si Giselle nahawa at natawa na rin. 

 

 

"Oh my God, dapat pala prinepare muna kita." iniabot na sa amin ni Wonyoung yung coffee, actually ako lang naman yung dinalhan niya. 

 

 

"Ano pa nangyari?" 

 

 

"Ang daming tanong muntik na ko mairita." I took a sip from my coffee. "Tinanong ako kung anong purpose bakit daw doon ako nag-apply and such e since honest akong tao sinabi ko na wala kong choice kasi need ko lang ng work para buhayin sarili ko kasi naglayas ako sa pamilya ko." I saw Giselle rubbing her head dahil sa mga pinagsasabi ko. 

 

 

"You really don't have to be honest all the time sa mga interviews." 

 

 

"Eh malay ko ba wala naman kasi akong experience sa ganyan tapos tinanong pa pala ako tingin ko raw mga ilang years akong magwowork sa kanila." 

 

 

"O anong sagot mo?" Ningning asked. 

 

 

"Sabi ko mga 1 or 2 months kasi pag nakuha ko na papers ko sa New Zealand e maghahanap ako ng ibang work." 

 

 

"Wala na to, ligwak ka talaga te." 

 

 

"Kasi yun naman talaga plano ko, I'm gonna talk to mom na i-padala papers ko rito so I can apply for a decent job na I don't think e ready talaga ako.." I suddenly miss my life in New Zealand baka nga mga ganitong oras e nagshoshopping pa kami ng mga friends ko or di naman kaya e nakikipag-date sa kung sino. 

 

 

"Bumalik na lang kaya ako sa New Zealand? I mean.." 

 

 

"Ikaw ba kung kaya mo humarap sa daddy mo or kung keri mo i-take yung sasabihin niya na.." Giselle cleared . "I told you, you can't live on your own Karina." walanghiya nilaliman pa boses niya to imitate my dad. 

 

 

"Of course, I don't want that to happen.." 

 

 

"Then, deal with your life now okay?" 

 

 

"Kasi naman wala bang easy way para kumita ng pera?" 

 

 

"Meron." napatingin ako kay Ningning. "Benta ka shabu." nahampas siya ni Giselle dahil sa sinabi niya. 

 

 

"Huy bibig mo nga may mga pulis na customer doon oh." bulong ni Giselle. 

 

 

"Charot lang naman te! hanap ka na lang sugar daddy!" 

 

 

"Yuck, why sugar daddy pa if I can surely get a handsome, rich man kung saan man dyan?" 

 

 

"Ay haba ng hair ni ate oh." asar ni Giselle sa akin. 

 

 

"Ganda ganda ni Karina e, pag nag only fans ka nga magsusubscribe ako." winawalanghiya na talaga ako nito ni Ningning kakaiba mang-compliment e. 

 

 

 

 

Nagkwentuhan pa muna kami ni Ningning ng kung ano ano walanghiya nga kasi rereto niya raw ako may mga batchmate daw siya na mayayaman and such, ewan ko ba kung gusto niya ko tulungan or binubugaw niya ako e. Si Giselle naman bumalik na sa pagwo-work grabe parang madededz si Giselle pag di nagtatrabaho, paano siya makaka-score kay Ningning niyan? 

 

 

"TITA GANDAAAA!" sabay kaming napalingon ni Ningning nang bigla na lang may tumakbo bata papalapit sa kanya, ang cute naman ni baby girl. I remember my baby cousins tuloy sa New Zealand. 

 

 

"Omg, what are you doing here Ellie?" ganda naman ng name nila, Ellie bagay sa kanya. 

 

 

"Hi, Ningning." napatingin naman kami sa babae na kasunod ni Ellie. 

"Ate Yuqi, napadaan kayo rito?" 

 

 

 

Oh she must be her sister na nabanggit niya nung nakaraan. 

 

 

 

"Yeah, I'm gonna ask a favor sana. We still can't find a new babysitter for Ellie e. Yung kuya Lucas mo naman e may business trip and I'm really running late with my meetings, wala akong ibang mapag-iwanan kay Ellie. Would it be okay if she can stay with you for a while? I'll pick her up later after ng work ko." 

 

 

 

"Sure, I mean wala namang problema dahil good girl naman itong si Ellie." 

 

 

 

Wait. 

 

 

Babysitter? 

 

 

"Thank you, Ning." lumapit naman yung Ate ni Ningning kay Ellie. "Baby, behave ka muna kay Tita Ganda ha? I'll pick you up later okay?" 

 

 

"Okay mommmyyy!" Ellie gave her mom a kiss pagkatapos ay niyakap niya ito. 

 

 

Ang cute naman. 

 

 

"Oh, hi Ellie." bati ni Giselle nang makita niya ang bata. 

"Hi Tita Gigi!" 

"You want some donuts?" 

"Hmmm!" isinama ni Giselle yung bata papunta sa may kitchen, taray close na close sila ah? 

 

 

 

"Huy ngiti ngiti mo dyan? mahal ang gatas, Karina." pang-aasar sa akin ni Ningning. 

 

"Gaga to, bawal ba ano ma-cute-an ganon." 

 

"Asus ka dyan." 

 

"Pero wait, naghahanap ng baby sitter ate mo?" 

 

"Oo, akala ko nga nakahanap na e." 

 

"Pwede ba ako mag-apply?" 

 

"Ikaw? babysitter? I mean..sure ka ba? good girl naman si Ellie pero..?" 

 

"I used to babysit by cousins kaya dati, so I think I'm pretty good with kids." 

 

"Hmm, okay. I'll tell Ate Yuqi mamaya." 

 

"Really?" hindi ko napigilan at kiniss ko siya sa cheek sa sobrang tuwa, I mean hindi ko kailangan magpa-alipin sa mga big boss out there. I can have fun at the same time e kumita ng pera odiba diba? 

 

 

 

 

Hindi na rin ako nagtagal sa pastry shop kasi bigla na lang dumami yung tao, nagpaalam na ako kay Ningning at Giselle pati na rin kay Ellie at sa mga staff doon. Feeling close kasi ako sa kanila kaya nagba-bye na rin ako sa kanila pero totoo naman para ko na kasing mga kapatid yung mga staff ni Giselle ang cute nga pag tinatawag nila akong ate e. 

 

Sumakay na ako ng tricyle pagdating ko sa subdivision, yes biruin niyo yon nag-commute ako? tinuruan kasi ako ni Giselle kahapon kasi nga paubos na cash na dala ko kaka-grab. Isang jeep lang naman yung shop ni Giselle papunta rito sa subdivision tapos magta-tricyle lang, actually pwede siya lakarin pero masakit na paa ko kaya kahit malapit lang e sumakay ako ng tricyle. 

 

 

 

Gulat nga si Kuya wala pang 2 minutes e nagpababa na ako sa kanya. 

 

 

 

Napansin ko ang kotse ni Hendery na naka-park sa labas ng bahay, nandito pala sila well buti na lang at hindi lang kami ni Winter ang tao rito dahil baka ma

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
coffeefrappucino
false alarm guys hindi ko napindot yung draft sorryy! but i'm working sa update ^^

Comments

You must be logged in to comment
minjeongfan_2688
0 points #1
Chapter 33: sarap barilin ng tatay ni karina, tangina
hehevelz 0 points #2
Chapter 33: Taena gaeul, kakapull ko lang sa album ng pc mo tapos nibbwisit mo ko beh
st4rxio 0 points #3
Chapter 33: intention talaga ni gaeul sirain yung phone
cleofierayne 34 streak #4
Chapter 33: Chapter 33: Kasabwat ka talaga Gaeul. Ganda talaga ng plano ng tatay ni Karina. Pinamukha mo talagang mas naka aangat pag maraming pera at pinakita niyo both sides na nag mo move on. As if!

Chaewon ikaw na gumawa ng paraan. Contact Giselle without anyone knowing including the band at manager. Sa lagay na yan di paba niyo naiisip na may tauhan rin around sa banda? Pleasee isipin niyo na, dahil ang spy manager ay tauhan ng tatay ni Karina.

Isipin mo ulit Karina kung bakit di mn lng nag reply si Winter. Mag rereply yung tao kahit gaano pa ka busy lalong lalo na ikaw pa kumontact. Di kaba nagtataka kung bakit di pa nag contact sayo si Win after sabihin ng manager na yun sayo? Hhmmm mag ooverthink ako niyan hahaha pag ako ay ikaw. Haahah
Kocima
#5
Chapter 33: Nakakagigil sa inis tatay ni karina
winrinasaurus
#6
Chapter 33: nako gaeul, when i catch youuuu 😠🫵🏼
Kelllorente
#7
Chapter 33: kasabwat pala ying bagong manager. parang gusto manubot 😠
yulgotitall #8
Chapter 33: Snitch si Gaeul. Final answer 😤😤😤
oofiee 1080 streak #9
Chapter 33: gaeul spy zzz jk
jiCHUyaa
#10
Saka ko na basahin pag fluff na ulit hahahah nakakadala pa nmn ng mood pag angst