Chapter T-61

Tuhog tuhog
Please Subscribe to read the full chapter

Winter's Pov

 

 

 

Happy Birthday Khio~~        

"Happy birthday anak! I love you mochi." 

 

 

 

"Happy birthday love, I love you.." 

 

 

 

"Bubuh! Ah! mimi nay!" 

 

 

 

Tawang-tawa si Khio ng pupugin namin sya ng halik ng mommy nya sa magkabilang pisngi pagkatapos namin sya kantahan ng happy birthday song. Kanina pa nagtu-tumili ang bochog namin dahil ang dami nyang bisitang bata ngayon na nakapalibot sa lamesa na pinagpapatungan ng 3 layers dinosaur cake nya sa harap namin. 

 

 

 

Pati yung mga bata aliw na aliw sa cake, paano ba naman, si Karina ang may idea ng cake design ni Khio, ang ganda naman talaga dahil buhay na buhay ang kulay green na mga dinosaurs. May malaking T-rex pa na gawa sa fondant na ang style ay parang nakayakap sa mismong cake kaya ang laki nito. 

 

 

 

Ganoon na din sa sweet sections at ibang-ibang food boths lahat ay dinosaur design, parang baby boy tuloy ang may birthday dahil sa theme na pinili mismo ni Khio. At oo, sya ang namili, binigyan namin sya ng mga cards na may dinosaur designs na kulay pink, yellow, blue and green. At ang napili nga nya ay blue and green motif, ayaw na nya halos bitawan yung card na hawak nya. Dinagdagan na lang namin ng bulaklak kunwari sa forest yung design ng party nya para kahit papaano magmukhang girly pa din. 

 

 

 

Napag-pasyahan namin ni Karina na dito na lang sa San Isidro sa bakuran ng bahay namin gawin ang first birthday ni Khio, malawak naman ang bakuran at kaya umukupa ng mga bisita. Naisip kasi namin na since baby si Khio dapat maraming bata ang bisita nya, kaya eto nga't parang halos lahat, bata ang nasa harapan namin. Ang saya saya lang, tuwang tuwa si Khio dahil mahilig talaga sya makipaglaro kapag nakakakita sya ng bata. 

 

 

 

Pumayag naman si grandpa sa desisyon namin, ang gara naman daw kasi na first birthday eh puro ceos ang bisita ni Khio. Kaya eto, parang may apat na daycare centers na dito sa bakuran namin sa dami ng bata. Kahit hindi namin kakilala basta nadaan sa tapat ng bakuran namin imbitado na. Nandito din kasi ang mga bata sa bahay ampunan sa kumbeto na tinutulungan namin. Nakakatuwa ang ngiti ng mga bata, napaka-inosente, ang saya nila. 

 

 

 

"Woah! Masarap ba yan anak? Kinagat mo yung tenga ng dinosaur iiyak na yan sya." biro ko kay Khio na hawak na ang tenga ng dinosaur na kinuha nya ng mag-blow sya ng cake, hindi na nga namin naawat dahil pagkakuha nya ay daretso na agad sa bibig nya. Grabe lang talaga itong bochog namin, hindi magugutom.

 

 

 

"Rarrr aahhh! grrr.." 

 

 

 

"Aww angry na pala sya nanay eh, sige, mommy will help you, I'll eat the dino's tail baby." sabi pa ni Karina na yumuko nga at kumagat din sa buntot ng dinosaur.

 

 

 

Mukhang hindi lang si Khio ang nag-eenjoy sa dinosaur cake, para-paraan din talaga itong mommy nya eh.

 

 

 

"Raaarr mimi!" ang tuwa ni Khio ng makita nya ang ginawa ng mommy nya. Yumuko din sya papunta sa cake nya para kumagat din, ang bilis talaga matuto lalo na kapag sa kalokohan.

 

 

 

Natawa kami ni Karina ng gumawa na naman sya ng sound na parang galit na dinosaur, ang dami na talagang alam ni Khio. Nakakaintindi na sya, parang kailan lang, ang laki na ng bochog namin. 

 

 

 

"Family picture muna kayong tatlo tapos buong angkan na, dali." 

 

 

 

Napatingin kami kay Yeji na may dalang camera at nakapwesto na pala sa harapan namin. Sya ang official photographer ng first birthday ng pamangkin nya, sya ang nagprisinta dahil hilig din pala nya ang kumuha ng litrato. 

 

 

 

Agad naman namin niyakap ni Karina si Khio sa gitna namin, marunong ang bochog namin mag pose, pag turo ni Karina sa tita Yeji nya na may hawak na camera ay ngumiti na agad si Khio. Kaya naman habang nasa mood pa sya ay todo posing din kami mag asawa, at todo cheer ang buong pamilya namin dahil kahit anong ipagawa namin na pose kay Khio ay nasunod sya. 

 

 

 

"Dali Yeji habang nasa mood pa si Khio!" tawag ko kay Yeji na nagmamadaling i-set up ang camera sa tripod nya.

 

 

 

"Sandali! sandali! Ayan na! Say Happy Birthday Mochiiii!!!" 

 

 

 

"HAPPY BIRTHDAY MOCHI!" 

 

 

 

Grabe yung lakas ng sigaw, nag-ihit kakatawa si Khio at pumalakpak pa nga.

 

 

 

"Bubuh abrrfff!" excited na sigaw ni Khio na ikinatawa namin lahat.

 

 

 

Ang sarap ng I love you na galing sa anak ko kahit bulol pa. 

 

 

 

"We love you too Khio!" sagot ni Ning sa tabi ko habang nagpoposing pa din. 

 

 

 

"Ang saya saya ng baby namin na yan."  nangingiting sabi ko kay Khio na karga ni Karina habang nagpopose pa din kami.

 

 

 

Family Yu, Reyes, Uchinaga at Hwang na kasi ang sunod na magpapa-picture, kaya eto kami at nagsiksikan na sa tabi ni Khio. Nakakatuwa, ang dami na namin sa pamilya, limang buwan na lang, may dadagdag pa na dalawang cute na babies. Excited na talaga ako, ang cute cute nilang tatlo malamang pag nagsama-sama. 

 

 

 

Pagkatapos ng family picture ay nagpa-picture naman sila ng solo kay Khio, buti na nga lang at mukhang masaya si Khio ngayon, kadalasan kasi ay kung hindi blurred, eh hahabulin mo talaga sya o hahawakan mabuti para lang makuhaan ng maayos. Ang likot lang talaga ni mochi jusme.

 

 

 

"Jimin, Gigi! Tara! sayawin ulit natin yung gento, ang laki ng premyo ni grandpa!" yaya ni Yeji kina Giselle at Jimin na nananakbo palapit sa pwesto namin. 

 

 

 

Akala ko pa naman kung ano na ang nanyari dahil nagmamadali sya, ang layo pa nya sa amin, tumatawag na agad dito sa dalawa na akala mo may emergency!

 

 

 

Hindi namin maiwasan matawa ni Ning sa naging itsura ng mga asawa namin, sabay pa talagang nag-middle finger sina Karina at Giselle kay Yeji na ngumuso sa dalawa dahil ayaw syang sakyan sa trip nya. 

 

 

 

"Ikaw na lang Yeji, tutal walanghiya ka naman." ani Giselle na bumalik sa pagkain ng shanghai na sinusubo ni Ning sa kanya. 

 

 

 

"Gagi, ba't masakit ang straight tagalog kapag galing kay Gigi?" kamot ang ulong tanong ni Yeji. 

 

 

 

"Realtalk kasi yon." singit ni Ning.

 

 

 

"Baby inaaway nila ako..." sumbong ni Yeji kay Ryujin na tila wala naman pake dahil busy kumain ng biko.. yung latik lang talaga ng biko ang kinakain nya, ang weird talaga ng panlasa pag buntis. 

 

 

 

"Ikaw na lang sumayaw mag-isa baby, para wala ka ng kahati sa premyo, pang-diaper at pang gatas din ng anak natin yon." biro ni Ryujin kay Yeji. 

 

 

 

"Sige." 

 

 

 

JUSKO      

 

"Hala gagi.." hindi na nakaimik si Ryujin nang nagmamadali ng umalis si Yeji sa tabi nya. 

 

 

 

Hagalpakan kami ng tawa ng mabilis na pumunta sa gitna ng mini stage si Yeji at pumagitna sa mga batang sumasayaw ng gento, ang sabi kasi ni grandpa mamimili daw sya ng magagaling sumayaw at yun ang bibigyan nya ng premyo. Ang loko-lokong si Yeji dahil naka-inom na, ayon, matigas na ang mukha at doble na ang kulit. 

 

 

 

"Yung asawa mo Yeji pigilan mo." natatawang asar ni Ning kay Ryujin na nangangamatis na sa kahihiyan na pinaggagawa ng asawa nya.

 

 

 

At dahil nga naka-inom na si Yeji, yung steps nya doble na din sa energy. Grabe ang sakit ng panga ko kakatawa, nahahampas ko na si Karina sa tabi ko na naiiling na lang sa pinsan nya. 

 

 

 

"Luh? Kasal na ako?" patay malisyang tanong ni Ryujin.

 

 

 

"Gaga ka, ikaw nag-utos dyan!"

 

 

 

"Malay ko ba na susunod sya, jusko...Yeji Hwang! Bumalik ka na dito maawa ka sa mga bata!" pigil ni Ryujin pero tila nasa mood talaga sumayaw si Yeji. Kinarga pa nga yung isang bata at ginawang props. 

 

 

 

Maryosep..

 

 

 

"Sayang to baby, dagdag sa pang-diaper at pang-gatas ni baby dumpling!" 

 

 

 

"Pinagsasabi mo?! Halika na dito! Nakakahiya nagbibiro lang naman ako!" pulang-pulang tawag ni Ryujin. 

 

 

 

"Mama! Yung aleng lasing dinadaya po kami!" nagulat kami ng may batang biglang umiyak, nanakbo palapit sa nanay nya at nagsumbong. Yung bata galing sa kumpol ng mga batang nagsasayaw ng gento kasama ni Yeji. 

 

 

 

Napatakip na lang kami ng mukha ng makita namin si Yeji na humahataw pa rin sa chorus part ng sayaw. Kung mapitik sya sumayaw kapag hindi sya lasing, isipin mo na lang yung energy nya na lasing sya, parang nasasapian na.

 

 

 

"Grandpa panalunin mo na ako, ako lang naman tama ang step

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
BleuHyacinthJ
May ⭐ na ang TT 🥺


Thank you so much po sa lahat ng readers, grabe yung akala ko na trip trip lang na story umabot na sa ganito hahaha hindi ko talaga inaasahan ko kasi magulo pagkakagawa ko, madaming errors at first time ko din. Pero thank you kasi sinuportahan nyo pa din. 🤧

Thank you all 😘🧡

Comments

You must be logged in to comment
jaangwaang
914 streak 0 points #1
Chapter 73: HAHAHAHAHAHA HAYS ANG CHUTE CHUTE MO TALAGA KHIO ABUNJING
kwinminjeong
27 streak 0 points #2
Chapter 87: Chapter 87: aAAAHHHHHH ngayon lang aq naka comment! boset pero paulit ulit ko na tong binabasa nung nag ud hahhebshehehehe ate na si mochi !!!! sobrang cute ng mga babies!!! bias ko na si frost 😛 charet! masusubok nanaman ang pasensya ni naynay wintot dahil mukhang matuyit din si kallie kahit kalabas palang eh 🤣 ily bb kauri disney princess and bunso sa family yu fam (khio ikaw padin ang fave ku (2)) <3 i'm so excited sa reaction ng fam nila at si mochi khio hahaha,,, tapos paligsahan sila sino pinakasutil sakanila ni kallie 'no BWHWHAHAHAB charet! excited na q sa moments nilang apat !!! congrats at nairaos ni nanay win ang panganganak! 🫶goodluck talaga nanay winter at mimi jimin !!
howdoyouknowmee
572 streak 0 points #3
Chapter 87: NAIIYAK AKO SO MUCH OUR TRIPLETS HUHU ATE NA SI MOCHI 😭
ROYAL_LOCKSMITH 0 points #4
Chapter 87: Congratulations mimi and naynay. Ate khio lumabas na ang nga wittew dinotors mo.

May dagdag na kalaro na sila ate khio, ate Allison and ate yumi.

Kung si Kaeious at Kallie may pitotoy🤭, si ate khio ba meron din?🤔 Hindi ko na ma alala😅.

Patay na, dalawa na ang Karina Jr. sasakit lalo ang ulo ni naynay nyan. Parang mas magiging ate pa si kaeious nito pag nag kataon.

Princess na princess ang atake ni kauri, pag nag kataon downbad si mimi nito.

Buti na lang talaga hindi naging karding, kardo at karlito yung mga pangalan nila.🤣🤭

Thanks po author. ☺
Jaeeeeee_
224 streak 0 points #5
Chapter 74: 🤣🤣
picchu
0 points #6
Chapter 87: Nangitlog na ang naynay..excited na ako sa reaction ng ate khio 😆
Eybrelros 0 points #7
Chapter 87: Maalala ko lang yung isang peborit ko na chap HAHAHAHAHA parang gusto ko asarin si tiyo na nasa mga kapatid nya yung gusto nyang 'tete HAHAHAHAHAHAH kaso big girl na nga pala sya baka limot na nya yon😆
RookieToki 12 streak 0 points #8
Chapter 80: AaHSHEHSHSHS NASOBRAHAN CONGRATSS
Coleeee 0 points #9
Chapter 87: I already know that Kauri will have Karina wrapped around her fingers. She'll definitely use her Winter looks and bunso status to get what she wants sa mommy nya HAHAHAHA! Kaeious, I feel will be the cool non-chalant eldest and Kallie will probably Khio's favorite partner in crime kasi parehong sutil na Karina liit HAHAHA! Congrats to the Reyes-Yu Fam. Mukhang ma pepressure manganak ulet si Ning Ning para mai jowa sa mga junakis ni Winter lol.
Karinaenjoyerrr 0 points #10
Chapter 87: NANDITO NA ANG MGA TRIPLETS!!! CONGRATS NANAY WINTERRRR MGA WITTEW DINOTORS NI KHIO 😩😩😩😩😩😩😩