Lagi't-lagi

Wanted: Bedspacer
Please Subscribe to read the full chapter

they wore aespa's pwf fits on the premiere night hehe.

 

\\

 

 

 

 

Tiningnan ni Winter ang sarili sa salamin sa huling pagkakataon saka kinuha ang kanyang puting coat at purse bago siya lumabas ng kanyang silid. Sa katunayan, halos mag-iisang oras na siya nakatingin sa salamin. Mahalaga kasi para sa kanila ang araw na ito kaya gusto niyang mag mukhang presentable sa mga tao at angkop ang suot para sa kaganapan ngayong gabi.


Tinawagan siya ni Ning kanina, sinasabing siya na lang ang hinihintay. Nasa sala na raw ang tatlong magkakaibigan kaya naman dali-dali na siyang lumabas upang sumunod. Alam niya kasing ayaw ng best friend niya na naghihintay.


“She just nags so much,” sambit ni Winter sa sarili.


Agad namang nakita ni Karina si Winter habang pababa ito ng hagdan. Hindi niya napagilan ang sarili na mapangiti at tignan si Winter ng mabuti. Masyadong maganda si Winter para kay Karina ngayong gabi. Kung pwede nga lang ay hindi na siya sasama sa red carpet upang hindi makalayo kay Winter. 


Kahit papaano, iyon ang naramdaman niya nang dumako ang mga mata niya kay Winter na pababa ng hagdan.


“Ang ganda naman ng batang ‘yan!” bulalas ni Ning nang tuluyan nang makababa ang kaibigan. Nahihiya namang hinampas ni WInter ang kaibigan at nagtama ang tingin nila ni Karina.


“You look so amazing,” papuri ni Karina. Pabirong inirap ni Ning ang kanyang mga mata habang pinagmamasdan ni Giselle ang dalawa ng may ngiti sa labi. 


“Thanks, you look lovely tonight,” sagot naman ni Winter. Humarap na ulit siya kina Ning at Giselle at sinuri ang kanilang mga suot. 


Ning is dressed in a gray babydoll knee-length dress, while Giselle and Karina are both dressed in sun dresses. Giselle wears black, while Karina wears white with a black coat over her shoulders. Winter is dressed in a white straight-across-the-neckline dress with a white coat over her shoulders.


“Did you guys plan your outfits tonight? Bakit pareho kayong naka white?” asar na tanong ni Giselle. Natawa naman si Ning habang napangiti lang si Karina na hindi pa rin maalis ang mata sa katabi niya.


“Let’s go? We’ll be late,” pag-aya ni Karina. Tumango naman ang tatlo niyang mga kaibigan at sabay-sabay na lumabas ng bahay upang sumakay sa van na inarkila ni Karina para sa premiere night ng kanyang pelikula.

 

 


Hindi man sabihin ni Karina, alam ni Winter na kinakabahan ang direktor dahil napansing niyang ilang beses nang humihinga ng malalim ang direktor habang magkatabi silang nakasakay sa van. Nasa likod nila si Giselle at Ning na busy sa pagse-selfie.


Ipinatong ni Winter ang kanyang kaliwang kamay sa kanan na kamay ni Karina, sapat na para makuha ang atensyon ng direktor. 


“What?” tanong ni Karina.


“You’ll do good, don’t worry about it,” saad ni Winter at pinagsalikop ni Winter ang kanilang mga kamay sa buong biyahe papuntang SM Megamall. 


At siguro, iyon lang mga salitang kailangan marinig ni Karina upang siya ay maniwala na wala siyang dapat ikabahala.

 

 

 

 

 

 

 

 


“You sure you guys don’t want to walk sa red carpet?” tanong ni Krystal sa mga kaibigan ni Karina. Papunta na sila sa 3rd floor ng mall habang may nakapalibot na mga bodyguards para sa magkapatid na Yu. Hindi pa man sila nakakaabot sa sinehan ay dinudumog na sila ng mga tagahanga ng magkapatid.


“Hindi na, Ate Krys. Mauuna nalang kami sa loob,” sagot ni Giselle sa kaibigan. Tumango si Krystal at tumingin kay Karina na tila nag-aalala kay Winter na mukhang hindi komportable sa mga camera at sa dami ng taong dumadagsa sa kanila. Minsan pa ay nagigitgit na rin sila dahil hindi kinakaya ng mga security at bodyguards ang dami ng tao. 


“I’m sorry…” bulong ni Karina kay Winter na nakayuko lang habang naglalakad. Hindi na magkanda himayaw ang mga tao. Sobrang lakas na rin ng mga sigaw nila para kay Krystal at sa sumisikat na direktor. Kahit na nahihirapan, iniangat ni Winter ang tingin kay Karina at nginitian ito.


“It’s okay. Hawakan mo lang kamay ko.”


And Karina did.

 

 

 

 


“Grabe sa labas! Ang ingay ng mga tao!” pagreklamo ni Ning nang makaupo na sila sa sinehan. Nasa gitna nila ni Giselle si Winter na para bang natulala pagkatapos ng kaganapan sa labas kasama ang magkapatid. Naiwan sa labas ang direktor at ang kanyang kapatid para sa kaunting interview para sa kanilang pelikula.


“It seems like Karina has her own fans na. They even have her banner. Nakita niyo ba?” tanong ni Giselle sakanilang dalawa. Tumango naman sila at huminga ng malalim. 


“Sure ka pa bang jojowain mo si Karina? Marami kang magiging kaagaw. Celebrity ulit magiging jowa mo, bes!” bulalas ni Ning kaya naman agad na tinakpan ni Winter ang bunganga ng kaibigan gamit ang kanyang kamay habang tumingin sa paligid ng loob ng sinehan. Buti nalang ay sila ang nauna sa loob kasama ang mga nauna nang naglakad sa red carpet.


“Ang ingay mo! Mamaya may makarinig sa’yo!” pagpapagalit ni Winter. 


“Arte mo!”


Natawa nalang si Giselle at biglang may naalala, “Where’s Kat and Ate Taeyeon pala?” tanong niya.


“Hindi sila makakanood pero sinabihan na ni Ate kagabi si Karina. Hindi ko rin alam kung anong nangyayari sakanila eh but I think inaayos ata nila yung pamilya nila. Ang alam ko, nag book yung tatay ni Kat sa Okada so nandoon sila ngayon,” sagot ni Winter. Tumango naman si Giselle at napatingin kay Ning na busy na sa kanyang phone.

 

“Grabe, may pictures na agad tayo sa social media. Tignan niyo,” saad ni Ning at ipinakita ang kanyang cellphone. Totoo nga, may kuhang litrato silang lima na naglalakad. 


Hindi naiwasan ni Winter na magbuntong-hininga, pinapanalangin na sana ay hindi ito makita ng kaniyang mga magulang.


Maya-maya pa ay naaninagan nilang tatlo na pumasok na si Krystal and Karina na kasama si Kai sa loob ng sinehan. Agad na hinanap ng mata ni Karina kung saan nakaupo ang kaniyang mga kaibigan, especially si Winter. At nang makita niya ang mga ito, lumaki agad ang kanyang ngiti at kinawayan ang mga ito. Alam naman nilang dapat ay nasa harapan si Karina kasama ang mga artista na gumanap sa pelikula dahil siya ang direktor kaya hindi na nila inasahan na tatabi sakanila ang kanilang kaibigan.

 

“Winter, big time na si Karina. Parang pati ako napepressure sa magiging relationship niyo. Idoble mo yung fans ni Jaemin sa mga fans ni Karina. Mahilig ka ba talaga sa mga nasa entertainment industry?” bulong ni Ning sa kaibigan ng makaupo sila. Wala nang nasagot si Winter at huminga nalang ng malalim. Nagsisimula na itong mag sink in kay Winter— kung gaano kalaking tao si Karina sa industriya kahit na nagsisimula pa lamang siya.


“Hindi na talaga ako natuto,” sambit ni Winter sa kanyang sarili. Pero nagbabakasali siya na sana, sa pagkakataong ito, hindi matulad sa nakaraang relasyon niya ang mangyari sakanila ni Karina.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Nakakabinging palakpakan ang narinig sa loob ng sinehan matapos ang pelikula. Sa buong palabas, tahimik lang si Karina na pinapanood ang pelikulang pinaghirapan nila ng ilang buwan hanggang sa makita niya ang pangalan niya sa mga krideto ng pelikula.


Directed by Karina Yu


Hindi niya labis maipaliwanag ang saya na nararamdaman niya nang mapanood niya ang kabuohan ng pelikula. Hindi niya sukat akalain na kaya niyang gawin ang obra maestra na ito. Idagdag mo pa ang mga taong pumapalapak ngayon sa loob ng sinehan na alam niyang mga taong nagustuhan ang kahinatnan ng pelikula.


Naglakad na ulit ang host ng premier night matapos ang pagbubukas ng ilaw. Medyo nagulat pa ang tatlong magkakaibigan sa biglaang pagbukas ng mga ilaw sa loob ng sinehan. Napatingin si Winter sa dalawang kaibigan na pumapalakpak pa rin simula nang mataos ang ipakita ang mga krideto. Napansin niyang humihikbi si Ning habang tumutulo naman ang luha ni Giselle ngunit may ngiti sakanyang labi.


“Okay lang kayo?” tanong ni Winter sa mga kaibigan ngunit hindi nila ito pinansin. Nakatuon lang ang atensyon nila sa harap, pinapanood at pinakikinggan ang sinasabi ng host.


“May we call on the casts of Hours and Direk Karina here? Let’s give them a round of applause,” sambit ng host. Nakabibinging palakpakan muli ang narinig sa loob ng sinehan.


Naglakad papunta sa harap ang direktor kasama ang kanyang mga katrabaho. Hindi pinaalis ni Krystal ang kanyang kapatid sa tabi niya dahil alam niyang hindi pa masyadong komportable ang nakababatang kapatid niya sa harap ng mga tao at mga kamera. 


Puro kamera at mga flashes lang ang nakikita ni Karina nang makatayo siya sa harapan gayunpaman, ngumiti pa rin siya at kumaway sa mga camera. Gusto na sana niyang makita si Winter pero masyadong maraming tao ang nakaharang sa taong gusto niyang makita.


Tinanong ng host ang iba pang miyembro ng cast kung ano ang tingin nila sa pelikula at nagustuhan nilang lahat ang kinalabasan ng pelikula. Isa-isa nilang pinasalamatan si Karina kaya naman mas lalo pang lumakas ang palakpakan sa baguhang direktor.


“Ano pong masasabi niyo Direk sa movie na pinanood natin?” tanong ng host. Ipinasa ni Kai sakanya ang mikropono upang makapagsalita siya.


Ngumiti si Karina bago sumagot, “Well, I never expected the film's outcome to be this good. All of our hard work, especially the people working behind the camera has been well worth it. The actors who remained professional even after I scolded and yelled at them several times made the film what it is.…”


Nagtawanan ang mga manonood at ang mga aktor sa sinabi ni Karin

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
jenniehormones
hello! i did not ghost this story and rest assured that i'll be updating this once im done with the socmed au on twt. it's a jmj au hehe
you can check it here: https://twitter.com/sikeyverse/status/1655419861319966722?s=20

Comments

You must be logged in to comment
jiCHUyaa
0 points #1
Happy anniversary
jiCHUyaa
#2
Hello authorr sana masarap ang ulam mo today
Neonbleuu #3
Chapter 74: otor parang awa mo na, wag mo po ito ighost 😭
venvennn #4
Chapter 56: otor hueihUie☹️💔💔😓☹️☹️😓☹️
hakinxg #5
Chapter 74: ghosted na ba?😞
hakinxg #6
Chapter 74: ghosted na ba?😞
lilili_oli #7
Chapter 74: Is this ghosted or authy is just resting? I hope it’s the latter. 😭😭😣
lststrinunvrse #8
Chapter 15: Missin' so much the update just how we're missing the writer too. 🥺
i_voyx #9
direkkkk i miss you
aerichandesuu
#10
Chapter 36: loveit